PROLOGUE
“DAMN it!” Napamura si Mister
Sandoval. “Shit!” “Well, Kumpare, I guess the day’s not yours,” tila nanunuyang
sabi ni Mister Ramirez. Para siyang nauupos. Sunud‑sunod ang naging attempts niya—ang
katumbas, sunud‑sunod na pagkatalo.
Ngayo’y lalo pang nadagdagan ang kanyang problema. Sa kompanya niyang unti‑ unting bumabagsak, dahilan upang
ilitin ng bangko ang bahay nila. Kung
hindi siya pinautang ng kumpare niya ay hindi niya iyon matutubos. Ngayon ito.
Nadagdagan pa siya ng utang sa kumpare niya. Saan na ang kahahantungan niya sa
susunod? Sa kulungan? Humugot siya ng malalim na paghinga, naalala ang asawa.
Mula nang mamatay ito, tila nawalan na ng direksyon ang buhay niya. “Don’t worry, hindi pa naman kita
sisingilin. Kaya huwag kang magluksa. I’ll let you pay kung kailan mo kayang
makabayad. Kahit paunti‑unti.” “What
if?” Hindi na niya itinuloy ang sasabihin. Nanlulumo na siya. Pinagsisisihan niyang
sumama siya sa lugar na itong alam niyang ang pagkapanalo ay suntok sa buwan. “We’ll
see. As of now, isipin mo muna kung papaano makaka‑recover ang kompanya mo. I know
you can pay me back.” “Sana nga,”
malungkot niyang bulong. “Don’t say ‘sana.’ It should be ‘talaga.’ Believe in
yourself. Just be sure that you could give me the money kung kakailanganin.” “I
hope so, Kumpare.. I really hope so.” At isang malalim na paghinga ang
binitawan niya. He swore never to gamble again.
CHAPTER ONE
TEN YEARS later. “What? Ano’ng
ibig mong sabihing ayaw nilang pumayag? Is that a threat?” Tila nag‑aapoy sa galit si Mister Sandoval.
“At sino naman ang nagpasimuno niyang strike‑strike na
iyan, ha? Anong klase kang tao? Masyado ka naman kasing nagpapadala sa kanila.
Look, puwede bang ayusin mo ang gulong
iyan or else!” Saka niya ibinagsak ang awditibo. Wala na ang kanyang kausap
ngunit parang nagliliyab pa rin siya sa galit—o sa takot na baka tuluyang
bumagsak ang kompanya niya? The hell. . Hindi pa rin siya makahinga nang
maluwag. “Sir. .” Si Ms. Gabriel ang tumawag sa kanya habang nakasilip ito sa
awang ng pinto. “There’s somebody here
who wants to talk to you, he said. .” “Tell him to go to he—Tell him to come
back some other time,” naiirita niyang sabi sa sekretarya. “Sir, he insist on
talking to you. Importante raw po.” “Kung naghahanap or mag‑a‑apply siya ng trabaho, tell him we are going out of
business. Wala nang puwesto sa kanya.” “But,
Sir. .” “Ms. Gabriel, I’m paying you to obey my orders at hindi para kulitin
ako.” Akmang magsasalita pa sana ito nang biglang bumukas ang pinto. “Sorry to
interrupt your conversation,” paumanhin ng lalaking bumungad. Ayon sa nakikita
ni Mister Sandoval ay hindi ito isang basta‑basta
panauhin lamang. “You may go now, Ms.
Gabriel. I’ll handle this,” taboy niya sa sekretarya. “Have a seat,” alok niya
sa lalaki. “Your secretary is undeniably beautiful, Sir,” puri nito makaraang
makalabas ito. Hindi niya alam kung ano ang gusto nitong tumbukin sa sinabi.
“So what can I do for you? Siguro naman ay hindi ka nagpunta rito para lang purihin
ang sekretarya ko. Wala akong panahon sa mga walang‑kakuwenta‑kuwentang usapan.” “No need to worry, Sir. Sinisiguro kong importante
ang pag‑uusapan natin.” “Then go ahead,”
naiiritang sabi niya. “Let me first introduce myself. I’m Ryder. .” Inilahad
nito ang isang kamay. “Ryder Ramirez.” “Ramirez.. ” wala sa sarili niyang
sambit at nakipagkamay sa lalaki. Alam na niya kung sino ito. “So, how’s your
father?” Napatikhim ito at bumagsak ang anyo. “My father. . died a couple of
years ago.” “Oh, I’m sorry. Wala na
akong naging balita sa kanya simula noong umalis siya. Anyway, do you know that
your father and I were the best of friends many years ago?” “I am aware of
that, Sir.” “So, what sent you here?” “Actually, Sir, before my father died he
already told me everything about you. He told me about—” “Kaya ka pumunta rito ay para singilin ang pagkakautang
ko sa ama mo. Iyon ba ang inihabilin niya sa iyo?” “No, Sir. Hindi niya po ako
inutusan. He was a noble man, really. Noong una, akala ko pong iyon ang
ipagagawa niya sa akin but I was wrong.” Sa sinabi nitong iyon ay naibsan ang
tensyong nakabakas sa kanyang mukha. “Sinabi
niyang tulungan ko raw po kayo kung magkakaproblema. At sa tingin ko ay tamang‑ tama ang timing ko.” “How?” “Does
it matter, Sir? Alam ko pong kailangan ninyo ng tulong ko ngayon. Pero, Sir,
this time, ang kabayaran ay may taning na.” “What do you mean?” “Nabanggit sa
akin ng papa na ang tingin ninyo maging sa tulong mula sa isang kaibigan ay charity, and you hate charity, kaya nga
ipinilit ninyong bayaran pa rin ang halagang ibinigay ng papa kahit ang sabi
niya’y huwag na. And since you want it that way—” Tumikhim muna ito bago itinuloy
ang sinasabi. “I’m giving you two years to pay the amount I’ll be lending you,
excluding the amount you owe my father. Sabi niya’y huwag ko nang singilin
iyon. I’ll lend you the amount you need. Kahit sobra pa. Susundin ko ang utos ng papa pero sa akin ang pera at gagawin
ko ang dapat. Think about it, Sir.” Matagal siyang nag‑isip bago nakasagot. “BUT YOU were able to pay only half of your debt,
Sir,” tila nababagot na sabi ni Ryder. Makalipas ang dalawang taon ay bumalik
siya sa opisina ni Mister Sandoval. “Hijo,
please. Don’t take my company away from my family. Ito lang ang tangi kong maipamamana
sa anak ko.” “But, Sir, a deal is a deal. We’re talking business here.” “Alam
ko. Pero unawain mo sana.” Nag‑isip nang
matagal ang binata. Kabadung‑ kabado
ang kanyang kausap sa paghihintay ng kanyang tugon. Nakasalalay sa kamay niya
ang magiging kinabukasan ng kompanya nito.
“According to the information I received, mayroon pang isang negosyo ang
asawa ninyo noon na ngayon ay pinalalakad na ng isa sa mga anak ninyo. Am I
right, Sir?” “Y‑yes. .”
nauutal nitong sagot. “No! Kung binabalak mong kunin iyon instead of this company,
I—” “No, of course not. Napag‑isip‑isip ko pong yaman din lamang na
ayaw ninyong ipambayad ang kompanyang ito, at obligado akong tulungan kayo, hindi ko alam kung papayag kayo sa solusyon
ko pero. . I think you should.” “Tell me.” “I’ll marry your daughter na
binabalak ninyong pamanahan ng kompanyang ito. At least, you’ll be able to
maintain ownership of this company at hindi ko pa nalabag ang huling hiling ng
papa.” Tila naguluhan lalo si Mister Sandoval. Natawa ito sa kanyang ideya. “I
can’t believe that you’ll sacrifice
yourself. Magpapakasal ka sa isang babaing hindi mo man lamang kilala o
nakita?” “I thought you’d say that. I’ve seen your daughters. Dalawa lang sila,
‘di po ba? At kambal pa. I can say that those daughters of yours are indeed
lovely.” “Saan— Well it doesn’t matter. But I hope na maintindihan nilang para
sa kanila naman ito. You know you really impress me. Hindi ko alam kung papaano
ka nakakakuha ng mga impormasyong iyan.
Money can really do miracles, huh?” biro nito sa kanya. Natawa lamang siya.
“Maniniwala ba kayo kung sasabihin kong may crystal ball ako and I can see any
thing I want to see and know everything I want to know?” Napatawa ang matanda
sa simpleng sense of humor niya. “Okay then, it’s settled. Since ikaw na rin
ang may ideya nito. At sa tingin ko naman ay wala kang magiging problema sa
anak ko.” “WHAT? PAPA how could you do
this?” naiiyak na sabi ni Therese sa ama. Bigla na lamang humulagpos ang luha
niya. “Please uderstand, hija. I have no choice. Besides, I can see that he is
a good man. He’ll make a good husband to you, even be the best!” paliwanag ni Mister
Sandoval. “How can you say that? Ano’ng alam n’yo sa ikaliligaya ko?” “I’m your father.” “Not simply because
you’re my father you already know everything. ‘Pa, be reasonable.” “I am! I
just did what I have to do. And I know that it’s the best for you.” Nais niyang
magwala at pagbabasagin ang mga vases na naka‑display roon ngunit ipinapaalala ng mga iyon ang
nasira niyang ina at hindi niya magawang sirain ang mga natitirang alaala. “Kung nandito lang ngayon si Mama, hindi rin
siya papayag sa gusto ninyong mangyari.” “Stop it!” singhal nito sa kanya.
“Pakakasalan mo si Ryder whether you like it or not.” “Bakit ako? Bakit hindi
si Sandra? ‘Pa, I already have a boyfriend.” “Ano’ng malay mo kung iyong si
Jeffrey na nga ang talagang makakatuluyan mo? No one knows. Who knows kung in
the future ay magkahiwalay rin kayong dalawa?”
“Iyon ay dahil sa ‘yo, Papa!” “Therese Alezandra!” “I won’t let you do
this, Papa. I won’t! I promise you I won’t!” At binirahan na niya ng alis,
padabog na pumasok sa silid niya at halos pabalibag na isinara ang pinto. NAPASALAMPAK sa sofa ang hinahapong si Mister
Sandoval. Ayaw niyang saktan ang anak. Sinasabi na nga ba niya na
magkakaganoon. “Bakit hindi si Sandra?”
Paulit‑ulit na umaalingawngaw sa isipan
niya ang sinabing iyon ng anak. Hindi maaari si Sandra—bagaman magkasingganda
ang mga ito dahil kambal ang mga ito. Isa pa ay may pagkasalalaki kung kumi‑ los ang dalaga. Hindi naman
masabing tomboy dahil hindi naman iyon ganoon. Minsan nga ay naiisip niyang
balatkayo lamang iyon ng anak bilang pananggalang sa kung anumang kinatatakutan nito. Hindi niya maaaring
ipakasal iyon kay Ryder, masyado nang malaking sakripisyo iyon para sa binata. “O,
‘Pa, ano’ng nangyari sa inyo? Depressed na depressed kayo,” puna ni Sandra na
kadarating lang mula sa flower shop, isa sa mga negosyo nilang mag‑aama, na bagaman fully staffed din
naman ay dinadalaw‑dalaw niya
paminsan‑ minsan. “Kayo kasi, masyado
n’yong isinusubsob ang ulo sa trabaho.”
“Ang kakambal mo kasi,” nakangiting tugon niya. “Si Therese? O, ano na
naman ang ginawa sa inyo ng mahal kong kapatid?” “Nasa kuwarto niya. Siya na
lang ang tanungin mo at sigurado akong magkakasundo kayo.” Tinapik niya sa
balikat ang anak. “Sige.” Humalik ito sa pisngi niya bago umalis. DAHAN‑DAHANG
binuksan ni Sandra ang pinto at sinilip ang kapatid. Nakahiga ito, nakatalukbong
ng kumot at nakasubsob ang mukha sa unan. Pakiwari niya ay umiiyak ito. Akmang
papasok na siya nang singhalan siya nito. “Leave me alone!” Nasa tinig nito ang
paghikbi. Ngunit para siyang makulit na bata at kahit na itinataboy ay sige at
dali‑daling pumasok. “I said leave me alone!” At binato siya nito
ng yakap‑yakap na stuffed toy. “Pati ba sa
akin ay galit ka?” malambing niyang tanong upang amuin ito. Umupo siya sa gilid
ng kama nito. “I hate him! I really really hate him!” umiiyak na sabi nito,
ayaw pa ring humarap sa kanya. “Sis, look at me please.” Dahan‑dahan
itong humarap sa kanya at saka nakiupo na rin. Humihikbi pa rin ito. “Bakit
siya gano’n? He’s so unfair!” “Teka nga muna. Ano ba kasi ang nangyari? Kanina
pa ako naguguluhan sa inyo. Bakit ba?” “Sis, ano’ng gagawin mo kung bigla kang pilitin
ni Papa na magpakasal sa isang lalaking hindi mo kilala?” “Ayoko nga!” “Kita mo na! E, di lalo na akong may Jeffrey
na.” “Hindi ka naman siguro ise‑set up ni
Papa kung hindi naman mabuting lalaki ang ipapakasal niya sa ‘yo.” “You’re
saying that dahil hindi ikaw ang nasa situwasyon ko, Sandra. And besides,
ano’ng malay ko kung ano’ng itsura n’on? Paano kung pangit? Ayoko! Ayoko!
Ayoko!” Sunud‑sunod na iling
ang ginawa nito. “Isipin ko lang na matapos
kong sumumpa ng ‘I do,’ ‘tapos, ‘you may kiss the bride’ na. . sa isang
total stranger!” “E, paano kung guwapo?” Saglit itong natigilan. “Ayoko pa rin.
Mahal ko si Jeffrey. Ano’ng malay ko kung mamahalin ako ng Ryder na iyon ng
tulad ni Jeffrey?” “Sa ganda mong ‘yan, ewan ko lang kung hindi ka sambahin.” “Kahit
na. Ewan ko nga kung ano’ng pumasok sa isip n’on at bigla na lang at basta‑basta na lang nagprisintang pakasalan ako. Hula ko
talagang ganoon siya kasama.” “Kasama ng ugali o kasama ng mukha?” “Pareho!” Napatawa
siya sa mga pinagsasabi ng kapatid. Siguro, kung ganoon din ang nangyari sa
kanya ay magpatiwakal siya. At malamang ay mas grabe pa ang gawin niya. “Sands,
help me. Ayokong matali sa lalaking hindi ko mahal.” “Ano’ng gusto mong gawin ko?” Awang‑awa siya sa kapatid. “Okay,
titingnan ko kung makikinig sa akin ang papa.” Nayapos siya nito. “Thank you,
thank you, thank you. The best ka talaga, Sands.” Hindi niya malaman kung paano
ito matutulungan. But she will do everything, any thing to help her sister.
CHAPTER TWO
HINDI pumayag ang kanilang ama
kahit ano pang pangungulit ang gawin ni Sandra. At dahil na rin sa sobrang
kakulitan ay nalaman niya ang puno’t dulo ng lahat. At wala na siyang nagawa kundi
ang sumang‑ayon sa
plano. “But are you sure, ‘Pa, na sigurado siya sa sinabi niya?” paniniyak
niya. “Perhaps.” “Ha?! What do you mean
‘perhaps’? E, kung ngayon pa ngang hindi pa sila naikakasal ay nine‑ neglect na niya ang kapatid ko,
paano pa kung kasal na sila?” “Anak, kahit ano pa ang gawin mo ay wala ka nang
magagawa. Kahit na mabago mo pa ang isip ko ay hindi mo na magagawang baguhin
ang kay Ryder, dahil siya mismo ang may balak n’on,” kalmadung‑kalmadong sabi ng ama. “And besides,
he’s not neglecting your sister. Natapos
na niya ang lahat ng dapat na ayusin sa kasal nila. Iyong araw na iyon
na lamang ang hinihintay.” “Two days na lang, ‘Pa, ni anino niya ay hindi ko
man lang nakikita, pati na rin ni Therese. Siguro, ganoon talaga kapangit ‘yong
Ryder na iyon.” Napahalakhak ang ama sa kanyang tinuran. “You’ll see, daughter,
you’ll see.” Iiling‑iling na
iniwan niya ito. Pupuntahan niya ang kapatid. Alam niyang drum‑drum na naman ang iniluluha nito sa silid nito. Tumpak ang
kanyang hula nang makita niyang nagsesentimiyento na naman ito. “Sandra.. ”
malungkot na tawag nito sa kanya. “O, umiiyak ka na naman? It’s not yet the end
of the world.” “For you. Pero sa akin, gumuho na ang buong mundo ko. Oh, Sands,
please help me.” “I already did my best.” “Sands, nakausap ko si Jeffrey.” Hindi na niya ikinagulat ang sinabi nito.
Alam niyang hindi pa rin nagbe‑break ang
mga ito sa kabila ng lahat. “Sis, don’t you think it’s about time na mag‑ break na kayo ni Jeffrey? Paano
na lamang kung malaman ng mapapangasawa mo?” “What does he care? Kasalanan
niya!” Isinubsob nito ang mukha sa mga palad at humagulhol ng iyak. “Sis,
tulungan mo ako.” “Paano? Hindi ko
makumbinsi ang papa na itigil na ang kalokohang ito.” “Sands, ikaw na lang muna
ang pumalit sa akin.” “What?!” “Please. Tulungan mo ako. Ayoko sa kanya. Ikaw,
wala ka namang commitment, pero ako. .” “Kahit na.” “Sands, please,” pagmamakaawa nito. “Hindi naman
alam ng lalaking iyon ang hitsura ko. He will never know the difference.” Sabagay
ay may punto ang kanyang kapatid. Ngunit siya naman ang mapapahamak. “You mean
ako ang magiging asawa niya?” “Sa araw ng kasal magpapanggap kang ako.” “Then?”
“Then you’ll live with him and see kung magugustuhan mo siya. Kung ganoon, ‘di
na ako makikipagpalit sa ‘yo. Pero kung
‘di mo naman gusto, iiwan ko si Jeffrey and I’ll take over.” Mahirap gawin
iyon. “Please.. please, please, please.” “No!” matigas niyang tanggi. “I’ll
help you any way I can but not like that!” “Oh, please, Sands. I love Jeffrey
and he loves me. He’s even willing to take me away and willing to go, too, kung
hindi ko lang inaalala ang papa. .” “Inaalala
mo ang papa kaya ako ang ipinapain mo? That’s selfishness, Therese!” “Hindi
naman kita ipinapain, eh. All I’m asking is for you to help me.” “Naiintindihan
mo ba kung anong uri ng tulong ang hinihingi mo? Sisirain mo ang buhay ko!”
Punung‑puno ng kapaitan ang huling pangungusap
niya. “Paanong masisira ang buhay mo, Sands, kung mahal ka niya?” Nanlaki ang mata niya, at tumawa nang bahaw.
“Alam nating lahat that it will be a loveless marriage, Therese. Nag‑alok ng kasal ang lalaking iyon
upang maningil ng isang utang.” “But what if?” turan ng kapatid. “He may but I
don’t. Wala akong gusto sa kanya. And please stop passing the responsibility to
me!” singhal niya. “The two of you could fall in love eventually in the
process. Give it a chance—” “Why don’t
you give it a chance, Therese?” “Mahirap bang intindihing mahal ko si Jeffrey?”
“At mahirap din bang intindihing ayoko ng gusto mong mangyari? I don’t want
that marriage, Therese. I don’t need it. Stop pushing me into it because I
won’t yield!” “Sands. .” “Stop it, Therese! Pagsisisihan lang ng lalaking iyon
kung makasal siya sa akin dahil nunca ko
siyang mamahalin.” Nagpipigil na siya ng galit. Hindi na niya hinintay
na sumagot ang kapatid; agad na siyang lumabas ng silid nito.Humihingal siya sa
sobrang galit. Hindi talaga niya mapaniwalaang naisip iyon ni Therese. Buong
araw niyang hindi kinausap ang kapatid. Kahit kinabukasan ay hindi man lamang niya
ito tinapunan ng tingin. Pinuna iyon ng papa nila—nagkibit lamang siya ng balikat
samantalang nagtungo lamang ng ulo si Therese.
Dati‑rati’y
sabay silang umaalis patungo sa kanya‑kanyang
trabaho. Siya sa flower shop at si Therese ay sa studio para sa pictorials para
sa isang sikat na pambabaing magazine. Hindi miminsang sumagi sa isip niyang maaaring
tumakas ang kapatid ngunit pilit niyang iwinawaksi ang kaisipang iyon. She was
very glad nang umuwi nang maaga si Therese; nadatnan niya ito sa bahay. KINABUKASAN na mismo ang kasal. Bagama’t hindi
umiimik ay gumayak ito. Unti‑unti nang nagdatingan
ang mga caterers at nagsimulang ayusin ang hardin nila. Sa kagustuhan na rin ng
ama nila ay sa bahay nila gaganapin ang reception na pinagbigyan naman ni
Ryder. Simple lamang ang kasalang magaganap na dadaluhan ng mga piling
panauhin. Napakaganda ni Therese sa suot nitong gown. Siya naman ay tatayong
maid of honor. Kung titingnan niya ang
kapatid ay wala kahit anong emosyon ang mukha nito. Kahit kalungkutan ay wala;
marahil ay nasimulan na nitong tanggapin ang nakatakdang kapalaran. Hangad niya
na maging masaya ito sa piling ng magiging asawa. Sa loob niya’y nakadama siya
ng habag para dito. Naipit ito sa situwasyong hindi inaasahan. “Well don’t look
at me as if it’s the end of the world!” sabi nito sa pagkakatitig niya rito.
She smiled at her. Tumugon siya ng
ngiti. “You look great, sis.” “I always do, don’t I?” birong pagyayabang nito. Natawa
lamang siya. Kahit saang anggulo talaga niya tingnan ay hindi niya ito
kakikitaan ng kalungkutan. She couldn’t just imagine how Jeffrey must have
taken it. “I know.” At nagyakap sila. Gusto pa sana niyang mag‑usisa rito ngunit minabuti niyang huwag
na lamang at baka sa halip na maging maayos
ang pakiramdam nito ay makadagdag lang sa problema. Habang‑daan ay hindi niya maalis ang curiosity
kung ano ang hitsura ng mapapangasawa nito. Pagkababa niya ng sasakyan ay
naroon na ang ibang sasaksi sa kasalang magaganap. “RYDER, hijo!” bati ni Mister Sandoval, na
naunang bumaba ng sasakyan, sa binatang naroon sa harap ng simbahan na naputol ang pakikipag‑usap sa isa sa mga naroong
panauhin. “Mister Sandoval. .” “Masanay ka nang tawagin akong ‘papa,’ hijo.” “Okay,
‘Pa,” nakangiting sagot nito. Nang mapansin siya nito ay bahagya lamang siyang tinapunan
ng tingin at ngumiti sa kanya. Gusto niyang malusaw sa ngiting iyon. It was a
half smile dahil ang isang sulok lamang ng labi nito ang kumurba. Agad din
nitong binawi ang tingin nito na
nabaling sa paparating na sasakyan. “My bride’s here,” anito. Tila may sumuntok
sa dibdib niya sa pagkakabawing iyon ng binata. Ano pa’t tila naglimayon ang
isip niya at tila robot na lamang siyang sumusunod sa mga nangyayari. She walked
down the aisle yet wala roon ang isip niya—at wala sa sariling tumingin sa
groom who was also staring at her. His eyes seemed to bore through her whole
body. Mali ba ang desisyon niyang hindi
tulungan ang kapatid? Parang nakadama siya ng panghihinayang. Kinagalitan niya
ang sarili sa pag‑iisip ng
gayon. Purely physical attraction, sabi niya sa sarili. The man was obviously
handsome and tall, macho in a way na hindi naman pang‑ wrestler ang built. Kahit sa
malayo ay tiyak na agad na makaaagaw ito ng atensyon. Mataman niyang
sinusubaybayan ang buong seremonya. She couldn’t help but imagine that she was the one being married. Tila nakikita
niya ang sariling ikinakasal sa pagkakatingin niyang iyon sa kapatid. She held
her breath when the ceremonies were about to end. And she felt so relieved when
she saw how Ryder kissed her sister. It was just a split‑second kiss. Ano ba ang ine‑expect niya sa isang wedding kiss?
French kiss? Ewan niya pero sa tingin niya sa lalaking ito ay isang expert
kisser. Weird, pero para siyang
sinasakal nang maisip niya ang kapatid at si Ryder sa isang carnal kiss. SA RECEPTION ay nagsaya ang lahat para sa mga
bagong‑kasal. Hindi niya magawang makihalo
sa saya ng mga bisita. Isang tao ang nakapukaw ng interes niya sa mga naroon.
Si Jeffrey. Bakit ito naroon? Manggugulo ba ito? Napansin niya ang uneasiness
nito. Then she saw the lovers eyes
meet. At sumunod ay nakita niyang may ibinulong si Therese kay Ryder na sa tingin
niya ay nagpaalam dito at nagdumaling lumakad patungo sa loob ng bahay. Nang
balingan niya ng tingin si Jeffrey ay itinaas nito ang wineglass na hawak to a
toast, then slyly smiled at her before finishing it to the last drop. Tumayo
ito at alam na niya kung saan ito tutungo.
Hindi na niya nagawang tugunin ang pagngiti nitong iyon. On instinct ay
dali‑dali siyang tumindig at nagtungo
sa loob ng bahay. Hinanap niya sa kabahayan si Therese. Naghinala na siya sa
gagawin niyon. At napatunayan niya ang hinala nang mapagbuksan niya si Therese
sa kuwarto nitong nag‑eempake ng
mga damit. “Therese!” sigaw niya. “Ano’ng ibig sabihin nito?” sita niya ritong
bahagya lamang na natigilan sa biglang pagdating niya. “I’m sorry, Sands. I’m leaving,” tipid na
sagot nito. “Kaya ba narito si Jeffrey? Kakakasal mo pa lang. .” “I’m leaving
him to you,” putol nito sa sasabihin niya. “What?!” bulalas niya; hindi na niya
nasundan iyon dahil bigla, may nagtakip ng panyo sa kanyang ilong mula sa
likuran. “I’m sorry, Sands. .” Iyon ang
huli niyang narinig bago siya nawalan ng ulirat. IBANG silid ang nabanaagan
niya nang iminulat niya ang mga mata. Agad siyang napabalikwas ng bangon upang
tiyakin ang hinala. Malakas siyang napasinghap nang bumaba ang kumot at doon
lamang niya napagtantong wala siya ni isa mang kasuotan. Lalo pa siyang nahintakutan
nang mabalingan niya ang nahihimbing na si Ryder. Nakatalikod ito sa kanya, his upper body bare at hindi na niya gustong
malaman kung pati pang‑ibaba ay
wala ito. “Oh, my God!” mahina niyang sabi. “This can’t be!” Hindi niya maubos
na maisip na may nangyari sa kanila ng lalaki. “No!” bulalas niya nang makita
ang wedding gown na suot ni Therese na nakalatag sa sofa. Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Paano
siya nito nakuha nang hindi niya napansin o nagising man lang? Ngunit tila may
naalala siyang nangyari kagabi. Akala niya ay panaginip lang. “Mahal kita, Ryder.
. I love you. . I love you. .” Iyon ang mga naaalala niyang pinagsasasabi niya
kagabi sa akala niyang panaginip. Hindi niya akalaing totoo na pala ang mga
nangyaring halik ni Ryder. Totoo na pala iyon!
Come on, Sandra, search your mind, bulong niya sa sarili. Pilit niyang
inaalala kung talagang may nangyari sa kanila ni Ryder pero wala. Wala siyang
maalala. Narinig niyang umungol ito at dagli niyang hinugot ang kumot upang
takpan ang kahubdan. Humarap ito sa kanya at bahagyang iminulat ang mga mata.
“You’re awake.. ” His voice was husky from sleep at tulad niya’y bumangon na
rin ito. “Kumusta na ang pakiramdam mo?”
“Bakit ako naririto?” Iyon bagkus ang lumabas sa bibig niya. “This is my
house, at ngayong asawa na kita ay bahay mo na rin. Saan mo ba ine‑expect na tumira, sa bahay n’yo pa
rin?” paliwanag nitong puno ng amusement ang tinig. “Pero paanong. .” Nalilito
pa rin siya. “If what you mean ay kung paano ka nakarating dito, simple. I
carried you here,” nakangiting sagot nito. “Hindi mo naman sinabi sa aking masamang‑masama pala ang pakiramdam mo.
Sabi mo, iinom ka lang ng aspirin. Kung ‘di pa sa kapatid mo ay hindi ko pa malalamang
nag‑collapse ka.” Tila nais niyang
totoong mawalan ng malay sa mga sandaling iyon. Nalilito siya dahil taliwas sa totoong
nangyari ang isinalaysay nito. Iisa lang ang malinaw sa kanya ngayon, her twin
doubled‑ crossed her at hindi niya lubos
na maisip na magagawa nito iyon sa
kanya. Gustuhin man niyang magalit ay para ano pa? “Look, hin—” Hindi na niya
naituloy ang sinasabi nang walang anu‑ano’y
mabilis na napaglapit ni Ryder ang mga labi nila. She was stunned! Wala pang
nakahalik sa kanya sa tanang buhay niya and this man was expertly kissing her. Napatunayan
niya ang assessment niya rito noong una. She wanted to kiss him back with equal
expertise but she didn’t know how. “Open
your mouth, love.. ” sabi nitong hindi tumitigil ng paghalik sa kanya. She did,
hindi niya alam kung paano siya nito napasunod, but she did. And she heard him moan;
before she knew it, tumaas na ang kamay niya to his chest. Nakaramdam siya ng
kawalan nang iwan nito ang mga labi niya. His kiss trailed downward to her
neck, then down to her breast. Gusto niyang ibalik sa katinuan ang pag‑iisip pero hindi niya magawa. Halu‑halong damdamin ang umiiral sa kanya at mga di‑maipaliwanag na sensasyon ang
gumagapang sa buo niyang katawan sa ginagawa nitong iyon. Damn! She hated
herself for being helpless in his embrace! “You’re trembling. Are you afraid of
me?” He caressed her left cheek with his fingers. Gusto niyang malusaw sa
pinaggagagawa nitong iyon. And he kissed her, gently sweeping his lips unto
hers. He kissed her passionately as if she
would swoon. His kisses were deep but gentle. Dear God, what was he
doing?” She was returning his kisses now. And she didn’t know how to answer it
with equal expertise. Tama nga si Therese. All she needed was a man, para
lumabas ang babae within her. Si Therese! Para siyang nagising mula sa isang panaginip
nang maalala ito. No! “No.. no.. ” Pero
kaya ba talaga niyang tumanggi? Hindi pa rin tumitigil si Ryder. His lips went down
to her neck, tasting every inch of her, not stopping until she gave in. “Stop!”
nagawa niyang sabihin kahit na parang naparalisa na ang buo niyang katawan. Tuloy
pa rin si Ryder, urging her to respond. “I said. . stop! I want you to stop!”
Nanlalambot na siya. “You want me to
what, sweet?” nanunuksong tanong, patuloy sa paghalik sa kanya, his lips lowering
to her exposed breasts, which gave her an unexplainable pleasure. Oh, God! He
was killing her! Therese, Therese, Therese. . sigaw ng isipan niya. “Stop. .”
Hindi niya alam kung napipilitan lamang siyang sabihin iyon. “Hindi iyan ang
gusto mong sabihin. . Tell me what you want, love. .”
CHAPTER THREE
YOU! “NO...” Tila nalulusaw siya. “No
what, sweet?” He was kissing her continuously. “What is it that you want? I
want to hear it from your lips.” “Please.. ” usal niya. “Please what, sweet?
Tell me what you want. .” Ano nga ba ang gusto niya? She wanted him to stop and
continue at the same time. “S‑stop. .”
She could feel his hands roaming around
her body, tila nais gumawa ng sariling marka sa katawan niya. “Your body tells
me otherwise.” Totoo iyon. “Please, Ryder,” pilit niya sa pag‑ asang titigil ito bago pa siya
bumigay nang tuluyan. He finally raised his head at matamang tumitig sa kanya. “This is our wedding night, love, and we’re going
to consummate it.” At muli na naman siya nitong hinagkan. “Stop it!” sabi niya
sabay tulak dito. “Don’t tell me you don’t like it.” “I don’t. Not even a bit.
You cannot have me and will never have me.” Napalis ang ngiti nito, walang
bakas ng kahit na anong emosyon ang guwapong mukha. “I can and I will,”
malumanay ngunit matigas na sabi nito.
Muling nanumbalik ang pamatay na ngiti nito. “You may not want me for this
moment but sooner or later you’ll beg me to get inside and take you.” Nagpupuyos
ang damdamin niya. Hindi niya alam ang itutugon. At bago pa man muling maglapat
ang mga labi nila ay nagawa niyang itulak ito palayo. “I will never give myself
to you. I don’t love you.” Pain crossed
his handsome face ngunit iglap ding nawala. Marahil ay imahinasyon lang niya iyon.
“Then I’ll make you love me, Ally. . In any and every way I can, kahit gaano
katagal, I’m willing to wait.” His face was soft, walang bahid ng galit sa
ginawa niyang lantarang pahayag ng disgusto rito. Tumayo ito at nagtungo sa
banyo, uncaring if he walked naked. Napasinghap siya nang malakas at hindi malaman
kung tatakpan o hindi ang mga mata. He
could see his dark and well‑sculptured
body. Very proportionate. “Go back to sleep. Aalis tayo bukas,” sabi nito bago
tuluyang isinara ang pinto. Nilinga niya ang paligid at naghanap ng orasan.
Alas‑dos pasado. Wala sa loob na napahugot
siya ng ubod‑lalim na
paghinga. Paano niya sasabihin ditong hindi siya si Therese? Marami ang
madadamay kung gagawin niya iyon, lalung‑lalo na
ang ama niya. Surely, Ryder would sue
them for fraud. Her father will be davastated—nawala na ang kompanya ay makukulong
pa silang tatlo. She had to get her sister assume her place here ngunit saan
naman niya ito hahanapin? Napaungol siya nang maisip na sinira ng kapatid hindi
lang ang buhay niya kundi pati na rin ang buhay nito dahil tiyak niyang kasama
nito si Jeffrey sa mga sandaling iyon. Hindi naman maaaring magpakasal ang mga
iyon. Ngayon ay nakasalalay sa kanya
ang ikasisira o ikaliligtas ng pamilya niya. Sa puntong ito, kailangan niyang
isakripisyo ang sarili sa kapakanan ng dalawang natitirang mahal niya sa buhay.
Narinig niyang umingit ang seradura ng banyo. Agad siyang tumagilid at
nagkunwaring natutulog. Naramdaman niya ang paglapit ni Ryder. Tumabi ito sa
kanya at alam niyang pinagmamasdan siya nito. Naramdaman niyang hinaplos nito ang mukha niya at marahan
siyang dinampian ng halik sa mga labi. Narinig din niya ang pagbuntong‑hininga nito bago tuluyang nahiga.
Hindi niya magawang matulog sa tensyong nadarama. At hindi pa man nagtatagal
mula nang mahiga ang asawa ay nagulat siya nang bigla na lamang siya nitong
kabigin at mahigpit na yakapin. He kissed her shoulder and murmured on her nape
and neck. “I love you, Ally.. ” At pagkatapos
ay marahan nitong paghinga ang sunod niyang narinig. Lalo lamang nagbuhul‑buhol ang isip niya sa sinabi
nito, huwag nang idagdag pa ang kanyang damdamin. Ayaw muna niyang mag‑isip; ang bisig ng asawang
nagbibigay sa kanya ng kapanatagan kahit pansamantala lang ang nais niyang pagtuunan
ng pansin. She savored the moment being
wrapped in his arms. Nakatulog siya, nakakulong sa mahigpit na yakap nito. NAGTUNGO sila sa Venice para sa kanilang honeymoon
na sa pagkakaalam niya ay malaon nang naganap nang hindi man lamang niya nalalaman.
But they spent their honeymoon touring. Just touring. Ryder didn’t even dare to
force her again like on their first night. Masaya na siya nang ganoon. Ryder
was very considerate and so loving.
Nalibot na nila ang magagandang lugar sa Venice and she felt so romantic. She
must admit na sa mga sandaling iyon, kapiling si Ryder, she was starting to
fall for him. Ngunit paano kung mabuntis siya? He had once took her without
knowing it. Could it be possible? Naku, Alesandra, ano ba itong gulong napasuk‑ pasok mo? sumbat niya sa sarili. Paano kung malaman ni Ryder na nagpapanggap
lang siya bilang si Therese? Tiyak niyang magagalit ito. Sa puntong ito ay
hindi niya kayang isiping magagalit ito sa kanya, not to mention the pain of
being separated from him. Bahala na. . NAUBOS nila ang isang buong linggo na
ganoon lamang ang nangyari. Pag‑uwi nila
sa Pilipinas ay expected niyang bibisitahin siya ni Therese, ngunit lumipas ang ilang linggong kahit anino nito ay hindi
niya nasilayan. Kahit anong balita tungkol dito ay wala. Ngunit hindi rin niya
mawari kung nais pa niyang dumating pa ang kapatid. Ryder was not that hard to
love. Sa loob ng halos isang buwang pagsasama nila ay wala siyang maipipintas
dito. Kung pagpaparamdam din lang naman ng pagmamahal ang pag‑uusapan ay talaga namang
comfortable ito. Walang araw na lumipas na hindi nito nasasabi at naipadadama sa kanya na mahal siya nito. He always
called her “Ally”.. not “Therese,” not “Sandra” her name. Kung bakit ay hindi
niya alam. Ano ba ang pakialam niya kung tawagin siya nito ng kung anu‑anong pangalan? Gayunpaman ay nagpasalamat
siya dahil kung tinawag siya nitong “Therese” ay siguradong hihiwa iyon sa puso
niya. Naputol ang kanyang pagmumuni‑muni dahil sa pagkiriring ng
telepono na agad naman niyang sinagot. Long‑distance
call! Si Therese! “Nasaan ka?” agad niyang tanong. “Hello, sis! O, kumusta na
ang honeymoon? Kumusta na si Ryder? Sorry kung hindi kita na‑ inform na—” “Nasaan ka ba?” putol
niya. “Nagtanan kami ni Jeffrey.” “What?”
Ano pa ba ang dapat niyang ikabigla? “Galit ka, sorry—” “You eloped with him?
What do you think you’re doing? And.. and sorry? Ganoon na lang ba iyon,
Therese?” Naghihisterya na siya. “Paano kayo naikasal? You could be charged
with bigamy!” “Hey! Don’t yell at me. It’s no big deal.” “No big deal? What do
you mean? Sabihin mo nga sa akin kung paano naging no big deal ito, Therese! You’re so selfish. Hindi mo na
inisip ang papa. At ako. How can you do this to me?” Matagal bago ito sumagot.
“You’re Ryder’s legal wife now, Sands.” “No.. ” Tila nawalan ng dugo ang mukha
niya. “Hindi ko maintindihan—” “What’s the difference, Sands?” “He loves you,
at ngayon ay kailangan kong mabuhay kasama ang lalaking inaakalang ako ang mahal.” “Ikaw ang kasama niya, Sands. Kung mayroon mang
mahal si Ryder, ikaw iyon at hindi ako.” “This is unfair, Therese. Alam mong
hindi ko mahal si Ryder.” Kung bakit niya nasabi iyon ay hindi niya alam
samantalang sa kaibuturan ng puso niya ay alam niyang mahal niya ang lalaki. “‘Di
pa man nagsisimula ang lahat ay ikaw na ang gusto niya. Ikaw ang gusto niyang
pakasalan. Paano na lang—” “‘Bye, sis!
He loves you very much, believe me.” At naputol na ang kabilang linya bago pa niya
naituloy ang sinasabi. Ano ba ang ikinatatakot niya? She was Ryder’s legal wife
now and he wouldn’t know the difference, unless sasabihin niya. Or ni Therese. Kung
mangyayari ngang malaman nito ay tatanggapin ba nitong justification na mahal
niya ito? Pero hindi ba’t si Therese
ang mahal nito at hindi siya? Paulit‑ulit mang
sabihin ni Therese na siya ang mahal nito ay alam niyang sinasabi lamang iyon
ng kapatid upang mapahinuhod siya. Ngunit lagot siya kung sakaling malaman nitong
hindi si Therese na inalok nito ng kasal ang nakuha niya kundi siya. Siya na
isang impostor. Tiyak na magagalit iyon sa kanya dahil hindi naman siya ang
gusto nito kundi ang kanyang kapatid. Si
Therese ang mahal ni Ryder, paulit‑ulit na sumisiksik
sa isipan niya. Si Therese ang mahal ni Ryder. Halos ikaluha niya ang pag‑iisip niyon. Bakit ba hindi niya
matanggap iyon? Nangingilid na ang luha sa mata niya ngunit agad din niyang pinahid
nang marinig niyang may pumaradang sasakyan sa tapat ng bahay nila. “Kumain ka
na ba?” bungad na tanong ni Ryder sa kanya. Galing ito ng opisina. Hindi niya nagawang sumagot; umiling na lamang
siya. “Magbihis ka, lalabas tayo,” utos nito sa kanya. “Saan?” Hinihiling
niyang sana’y hindi nanginginig ang boses niya. Ayaw niyang mapansin nitong
galing siya sa pagluha. Nagkibit‑balikat
ito. “I made reservations.” Nakaramdam siya ng pagkairita. “Saan nga? Sabihin
mo para alam ko kung ano’ng isusuot ko.”
“Kahit ano’ng suutin mo, ikaw ang bahala. Kung saan kang damit
komportable. Bagay naman lahat sa ‘yo.” Sa halip na ma‑flatter ay nailang siya. Tuloy ay basta
na lamang siyang kumuha ng maisusuot. Nanatiling nakasandig sa may pintuan si
Ryder na waring pinapanood siya. Nakahalukipkip ito at may anong ngiti sa mga
labing tila ba batang tuwang‑tuwa sa
kapapanood sa kanya. “Are you going to
watch me or what?” Naroon pa rin ang pagkailang sa tinig niya. “Bakit, nahihiya
ka bang makita ko kung paano ka magbihis?” “Hindi.” Tinatagan niya ang tinig
upang mapagtakpan ang pagkapahiya. “Ayoko lang kasing may nanonood sa kung
anumang ginagawa ko.” Naasiwa siyang magbihis sa harap nito. Sa loob ng halos
isang buwang lumipas na magkasama sila ay hindi siya nagbihis sa harapan nito. Lagi siyang pumapasok sa bathroom at
doon nagbibihis. Hindi naman ito nagrereklamo, puwera lang ngayon. Siguro ay
sinadya na nitong planuhin ang lakad nilang iyon. Minsan talaga ay hindi niya
masundan ang takbo ng isip nito. Basta na lamang siya nakikisakay. Siguro ay
dahil nagpapanggap lang siya. O baka naman talagang bumigay na siya? Hindi,
hindi, hindi. . tanggi ng isip niya. Kailangang pigilan niya ang umuusbong na damdaming iyon. Tiyak niyang magpapalala lamang
iyon sa situwasyon. Natapos siyang magbihis, kaunting suklay, kaunting pulbo,
para naman mukha siyang presentable kahit wala siyang makeup. Pero sa
pagkakaharap niyang iyon sa salamin at nakita niyang kahit wala siyang pintura
sa mukha na tulad ng kapatid ay sibol na sibol pa rin ang kagandahan niya. Si
Therese ay maganda sa makeup, e, siya kaya? Ano ba iyan? How come she was comparing herself to Therese? They
were different, although they were twins. They had their own way of bringing
themselves up. Bumaba na siya sa sala kung saan nakaupo si Ryder sa couch na
mukhang nagpapahinga. Sapo nito ng isang palad ang noo at nakapikit ang mga mata.
Nainip yata sa kahihintay sa kanya. Tila nakaramdam siya ng awa dahil pansin
niyang pagod ito. Nang maramdaman nito
ang presensiya niya ay agad itong tumindig. Waring namangha ito at tiningnan
siya mula ulo hanggang paa at pabalik. “O, bakit? Ayaw mo ng suot ko? Akala ko
ba kahit—” “No, no. You look. .” Nag‑alis ito
ng bara sa lalamunan bago muling nagsalita. “Fine.” Ano ba kasi ang suot niya?
T‑shirt, maong na pantalon at rubber
shoes—ang attire kung saan siya komportable. Tutal, sabi naman nito ay kung saan siya komportable ay iyon ang isuot
niya. Sumunod lamang siya rito. “Let’s go,” aya nito, at agad naman siyang
tumalima. “Saan ba kasi tayo pupunta?” mataray niyang tanong habang nasa
kalagitnaan sila ng biyahe. “Kakain tayo. Hindi ka pa naman kumakain, ‘di ba?” “Ang
layo naman ng pagkakainan natin. Kanina pa kumakalam ‘tong sikmura ko,” reklamo
niya. “Sandali na lang.” Tumigil sila
sa isang class na restaurant. Nagliyab lang siya lalo sa galit. Pinigil na
lamang niya dahil nasa isang public place sila. Kahit naman papaano ay may
etiquette siya kahit sa mga pagkakataong ganoon. At kahit nag‑aapoy na siya ay isinaalang‑alang na lamang niya ang kahihiyan
niya. Sa table for two sila naupo. Halos malusaw siya sa hiya dahil sa pagpasok
nila roon ay pinagtitinginan siya. Alam
niyang hindi angkop ang kasuotan niya sa lugar na iyon. Salamat na lamang at
wala namang ipinatutupad na dress code sa lugar na iyon. Yukung‑yuko siya at tila ba kahit ano ang
pilit niyang iangat ang ulo ay waring napakabigat nito. “Nang‑aasar ka ba?” Napakasarkastiko ng
ngiti niya sa asawa matapos makuha ng waiter ang order nila. Ito lamang ang
nagsabi sa waiter kung ano ang kakainin
nila, paano’y batid nito ang hiyang nararamdaman niya. “Hindi, bakit?” walang
anumang tugon nito. “Bakit dito mo ako dinala? Tingnan mo nga ang suot ko.” Nagkibit‑balikat ito. “I can’t see anything
wrong with it, ikaw rin naman ang pumili niyan. I made reservations, sayang
naman kung ika‑ cancel.” Pinanatili niyang kalmado ang boses. Ayaw niyang
madagdagan ang ikapapahiya niya sa pamamagitan ng pagkilos nang hindi
nararapat. “Just look at me!” “I’m looking.” “Damn you. Hindi mo ba nakikita na
pinagtitinginan ako ng mga tao? My outfit is not appropriate in this type of
place, Ryder.” Mataman lamang siya nitong tiningnan. “Ano ka ba?” Her voice was still low. “Para kang
nananadya. Didn’t you hear what I said?” Wala pa ring katugunan. Their meal was
served at saka lamang tumugon ito. “Just don’t mind them.” Hindi na siya
nakaimik pa. Kumain na lamang siya kahit na medyo naaasiwa pa rin siya. Tahimik
silang kumain, para bang pareho silang naubusan ng sasabihin, walang pakialam
sa isa’t isa. Sa katagalan ay naglaho
na ang pagkaasiwa niya. Wala na siyang pakialam sa mga taong nakapaligid sa
kanya. Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin kahit buskahin pa nila ako.
Bahala sila sa buhay nila. Hanggang sa paglabas nila sa lugar na iyon ay wala
pa rin ni isa man sa kanila ang nagsalita. “Saan mo gustong pumunta?” basag ni
Ryder sa katahimikang matagal na naghari sa kanila. “Kahit saan,” tipid niyang
sagot. Nagkibit‑balikat ito at sinimulang
paandarin ang sasakyan. Tila alam naman nito kung saan siya dadalhin. Malayo
ang biyahe; palibhasa’y gabi na ay nakatulog siya sa sasakyan, walang pakialam kung
saan mang lumalop na daigdig siya nais dalhin ng asawa. Hindi naman kasi siguro
siya pagsasamantalahan nito at kung saan na lamang iwan. NAGISING na lamang siyang nakahiga sa isang malambot
na kutson, sa isang silid na hindi niya malaman kung kanino. She was very
certain that it was definitely not their room. Si Ryder! Kaya naman pala
pakiramdam niyang malaki pa ang space sa kama gayong hindi naman ito ganoon
kalaki. Wala ito sa tabi niya. Mag‑isa lamang
siya sa silid na iyon. Hindi niya alam kung bakit ngunit parang kulang. Parang
total emptiness ang pakiramdam niya nang
mapagtanto niyang wala ito sa higaan. Siguro ay nasanay siyang laging katabi
ito sa pagtulog. Dali‑dali
siyang bumangon at lumabas ng silid. Bumungad sa kanya ang kabuuan ng bahay at
sa ayos nito ay batid niyang isa itong rest house. Dalawa ang silid‑tulugan at isang paliguan; ang sala
ay halos kalapit lamang ng kitchen at dining room. Nalibot na niya ang buong kabahayan ngunit
ni anino ni Ryder ay hindi niya natagpuan. Saang lugar naman nagsuot iyon? Nagtuloy
siya sa labas. Sa verandah, nasumpungan niya ang katahimikan. Tagos sa dagat
ang moonlight. Parang paraiso, so peaceful and serene. Nanatili siyang nakatayo
roon. Ang haplos ng hangin ay tila haplos at halik ni Ryder sa kanyang katawan.
Dama pa rin niya ang asawa; his scent, his
masculine scent still invaded her nostrils. It felt wonderful. Oh, dear Lord,
was this heaven? She could hear him groan with the desire burning him. She
could hear him groan, moan. “Oh, love.. ” sabi nito. “Sweet. . sweet. . Ally.
.” Before she could realize that she wasn’t dreaming any longer, she was
returning his kisses. “Ryder, p‑please. .”
CHAPTER FOUR
“SAY YOU want me. . you need me,”
ani Ryder. “Bite me, sweet. .” “What?” “Bite me.” “Bakit?” “Bite me.. I know it
hurts. .” “No.. ” tanggi niya. “I said bite.”
“No!” “Ayaw kong masaktan ka.” “Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon?”
Anyong nairita ito. “Please. .” “No.. ” “I don’t want you to scream. Now bite!”
“Hindi ako sisigaw,” pangako niya. “J‑just get on
with it.” “This is for your hard‑headedness—” He plunged into her. Hindi
siya makasigaw, pero bumuka ang mga labi niyang tila sisigaw nga siya. Bagkus
ay kinagat niya sa balikat ang asawa. Napasigaw ito. “Bakit ka sumisigaw?”
manghang‑manghang tanong niya. “You bit
me!” akusa nito. “Sinabi mong kagatin kita—!”
“You bit me hard. Ang talas pa ng ngipin mo, parang bampira.” “Masakit,
e! Sinabi mong huwag akong sisigaw. So I bit you instead.” Ngunit agad siyang natigilan.
Masakit. . masakit. . Bakit masakit? ‘Di ba masakit lang iyon kapag first time?
Ang ibig sabihin. . “Virgin pa ako?” Hindi siya makapaiwala sa nalaman. Iniangat ni Ryder ang ulo mula sa leeg niya,
ni hindi man lamang niya napansing kanina pa pala siya pinaliliguan nito ng
halik. Nakangiti ito sa kanya na animo’y nakakaloko. “I thought alam mo dahil
hindi ka naman nagrereklamo.” “Pinaniwala mo akong—” “No, no. I didn’t make you
believe. Inisip mo lang iyon. But in truth. .” Ngumiti na lamang ito nang
makahulugan. At muling inilapat ang mga labi sa leeg niya. Muli itong
pumaibabaw sa kanya. “Oh, sweetheart,
you just don’t know how hard I fought for control for so long. Oh, Ally, Ally,
love. . my Ally. .” bigkas nito sa pagitan ng mga halik. “You played a nasty
joke on me. You. . you. . that’s unfair. .” Naputol ang sasabihin niya nang maramdaman
niyang muli ang pag‑angkin
nito sa kanya. Hindi niya inakalang mapapaungol siya nang dahil doon. Naisip
niyang bawiin iyon ngunit alam niyang
huli na at hindi na maaari dahil narinig na iyon ng asawa. “Ryder. .” “Ally. .
Ally. .” usal nito sa pagitan ng pagbuga ng hininga. “Say you’re mine, Ally,
say it. .” “Yes. . R‑Ryder. .”
Hindi niya alam kung ano ang gusto niyang sabihin. “I’m sorry kung inakala mong
may nangyari noong kasal natin. Oh, love, you’re so innocent. Kung alam mo lang
kung gaanong control ang ginawa ko para
hindi ko gawin ito sa ‘yo. To make you completely mine. Kung alam mo lang kung
gaano kahirap na magkasya na lang sa pagyakap at paghalik sa iyo gabi‑gabi samantalang nasa akin ang
lahat ng karapatan,” mahabang litanya nito. “B‑bakit?” “You are so resentful. I was so hurt nang sabihin
mong hindi mo ako mahal at hindi magagawang mahalin. Nagbaka‑sakali ako ngayon.. baka kahit paano ay natutuhan mo na
akong mahalin.” Hindi siya nakasagot. Ramdam niya ang pag‑ asam sa tinig nito. At ngayon
niya napagtantong hindi lamang imahinasyon ang nakita niyang pait sa mga mata
nito nang sabihin niyang hindi niya ito mahal. Napahugot na lamang ito ng
paghinga nang mabigong makarinig ng tugon mula sa kanya. “Therese Alesandra..
beautiful name. .” “M‑may problema ka ba sa pangalan
ko?” Ngumiti ito. “Wala naman. . just wondering. A name shared by two.” “Does
it bother you?” “I like your name, Ally. .” Tumayo ito, pinangko siya. Nakadama
siya ng relief sa biglang pagbabago ng usapan nila. Hindi pa siya handang pag‑ usapan ang tungkol sa
nararamdaman niya bagaman mahal na mahal niya ito. Nauunahan siya ng takot na maaaring sa isang iglap ay magbago
ang lahat. “Ikaw, bakit ‘Ryder’ ang pangalan mo?” tanong niya nang ihimlay siya
nito sa ibabaw ng kama pagpasok nila sa kuwarto. Nagkibit‑balikat ito. “Dahil sa mommy ko. Mahilig
kasing magbasa ng romance novels. Doon niya nakuha ang ipinangalan niya sa
akin.” “E, bakit naman sa dinami‑dami ng
pangalan sa mga pocketbooks, ‘Ryder’ pa ang napili niya?” “I never had the time to question her about
my name.” At ginawaran siya nito ng halik sa noo. “Let’s sleep. . pinagod mo
ako nang husto.” Then he switched off the lamp. Nais man niyang pigilan ito ay
hindi na niya itinuloy. Binalot na lamang niya ang sarili niya sa kumot. At
dahil pareho silang hubad sa ilalim ng kumot ay ramdam na ramdam niya ang pagkakadikit
nito sa kanya. Dahil marahil doon ay naramdaman niyang niyakap siya nito nang buong higpit, na para bang ayaw na siyang pakawalan.
Nagsumiksik na lamang siya rito at ginawang unan ang bisig nito. Matagal nang
pagmumuni ang nagawa niya bago pa man siya dalawin ng antok. Marami pa siyang
nais itanong at usisain sa asawa. Paano pa niya matatanong kung tulog na tulog
na ito? Maraming misteryo ang bumabalot sa buhay nito at nais niyang malaman
kung ano ang mga iyon. Marami pa siyang dapat malaman. Pero sa mga sandaling iyon ay mas gusto niyang
alalahanin na lamang ang mga matatamis na sandali sa piling nito, ng
pagpapahayag nito ng damdamin kanina, na ang bawat salita ay para sa kanya. .
hindi kay Therese. Gusto niyang papaniwalain ang sariling siya si Therese
Alezandra at hindi si Therese Alesandra. Wala munang Therese kahit pansamantala
lang. Kahit pansamantala lang ay iisipin niyang siya ang mahal ni Ryder. Sa gitna ng isang malalim na pag‑iisip ay walang anu‑ano’y tulad na rin siya ng asawang
nahihimbing. “KAILAN tayo uuwi?” tanong niya kay Ryder kinaumagahan habang nag‑aalmusal. Ngayon niya napagtuunan
ng pansin ang isang bagay na sa simula pa lang ay umuukilkil sa kanyang isipan.
Ang kanyang ama. Wala itong kamalay‑malay sa
mga nangyari—ang pag‑switch
nila ng puwesto ni Therese. Siguro ay
nababaliw na iyon; ilang araw na siya nitong hindi nakikita sa bahay nila—at
gayundin si Therese, kung hindi pa ito bumabalik sa pakikipagtanan kay Jeffrey.
“Bakit? Gusto mo na bang umuwi?” She frowned. Nami‑miss na rin niya ang pagpunta‑punta sa flower shop. “Ayoko pa
sana pero wala akong dalang damit.” Inubos muna ni Ryder ang laman ng bibig
bago sumagot. “Kung gusto mo, uuwi muna ako, then ikukuha kita ng damit. In the meantime, kung
gusto mong maligo at magpalit ng damit, you can use my T‑shirt at iyong shorts kong nandoon
sa cabinet.” Hindi siya tumugon sa ideya nito. “Hintayin mo na lang ako rito. I
won’t be long,” anito. Tumango lamang siya dahil punung‑puno ng pagkain ang bibig niya. And
so it was settled. MALAPIT nang dumilim
ay wala pa rin ang magaling na si Ryder. Naroon siya ngayon sa may dalampasigan.
Kanina pa siya roon, naghihintay sa asawa; nagsisimula nang umihip ang malamig na
hangin. Dahil maluwang sa kanya ang suot na T‑shirt at basketball shorts, tuwing umiihip ang hangin
ay pakiramdam niya ay wala siyang suot dahil nanunuot ang hangin sa balat niya
at tila nagwawagayway ang damit niya. Naupo
siya sa isang malaking bato habang pinapanood ang araw sa paglubog nito.
Patuloy ang isipan niya sa paglalayag. Magaan ang pakiramdam niya sa lugar na
iyon. Ang kaninang kaba at takot ay wala na. Takot? Takot marahil na maaaring
hindi na siya balikan ni Ryder. Baka tuluyan na siyang iniwan doon. . mag‑isa. Iniwan. Dapat ay handa na ang
kanyang sarili kung sakali mang isang di‑inaasahang
pagkakataon ay dumating na ang araw na
kinatatakutan niya. Ang araw na iiwan niya si Ryder, o hindi kaya ay siya ang
iiwanan nito—kung malaman nitong nilinlang lamang nilang magkapatid ito. Kaya
ba niyang harapin ang galit nito? Huli na kung ngayon pa niya sasabihin dahil nakuha
na siya nito. Bakit ba napakatanga niya upang hindi malamang isa pa pala siyang
birhen? Kung sana noon ay mas madali pang tanggapin ang lahat. Kahit na ang
paniniwala niya noon ay naangkin na
siya nito ay okay lang. Dahil hindi magiging masakit sa kanyang tanggapin ang
lahat dahil wala naman siyang maalalang matatamis na sandali, hindi tulad
ngayon. Dahil nararamdaman niya ang labis‑labis na
pag‑ibig, kung paano magmahal ang
isang Ryder Ramirez. “Ryder, Ryder. .” bulong niya sa hangin, kasunod ang
mahinang paghikbi. “Calling for me, princess?” anang pamilyar na husky and deep
voice. Kunwa’y sumimangot siya bago
humarap dito. “Bakit ngayon ka lang?” singhal niya rito. “Why? Did you miss
me?” panunukso nito. “Of course not!” Defensive ang tono niya. “Liar. .” he
murmured sweetly and huskily, smiling at her. “Sino’ng tinatawag mong
sinungaling? Be careful with your words, Mister Ramirez,” sarkastikong sabi
niya. “I’m not a liar and I don’t intend to play games at this moment.” “Liar.” He continued teasing her. “Stop it!
I told you I’m not a—” “Liar?” Madali nitong nadugtungan ang sasabihin niya.
“If you’re not a liar and you’re not lying, bakit defensive ka?” Umatras siya
nang isang hakbang. “I’m not being defensive,” aniya, pinakakalma ang tono. “Gusto
ko lang sabihin sa ‘yong hindi ako sinungaling and have nothing to lie about.”
Pero sa totoo lang, nang mga sandaling iyon ay
napupuno ng kasinungalingan ang mga salitang lumalabas mula sa bibig
niya. “Then tell me the truth, sweet, don’t lie to me.” Lumapit ito nang
bahagya sa kanya. “Anong truth? Sinabi ko na, I have nothing to lie about.” “Kaya
nga gusto kong sabihin mo sa akin ang totoo. Ayaw kong nagsisinungaling ka pa
sa akin.” “Anong katotohanan ang
sinasabi mo?” Bumubundol ang puso niya sa kanyang dibdib. “Oh, now, don’t lie.
Alam mo kung ano’ng ibig sabihin ng katotohanan,” giit nito. Sa sarili niya ay
alam niyang nais lang siya nitong hulihin. Kailangan niyang depensahan ang sarili,
kailangang makaisip siya ng dahilan upang hindi siya nito mahuli sa tunay
niyang damdamin. A little more teasing ay bibigay na siya. “I told you, Ryder, I have nothing to
confess. Pero ikaw, marami kang ipapaliwanag sa akin.” Nagtataka ang buong anyo
nito. “Now, don’t give me that look,” nang‑uuyam niyang
sabi. “Teka, teka nga. Binabaligtad mo naman, e,” reklamo nito. “No, no.
Maraming bagay ang gusto kong liwanagin mo.”
Nagkibit‑balikat
ito at naupo sa malaking batong katabi ng kinauupuan niya. “Okay, shoot,” kalmadong
sagot nito. Bago siya nagsimulang mag‑usisa ay pumuwesto
muna siya upang magkalapit dito. “Bakit mo ako pinakasalan?” Deretsong lumabas mula
sa bibig niya ang mga salita. Tila ikinabigla nito ang sinabi niya ngunit agad din
itong nakabawi. “Dahil sa dalawang rason. Una ay dahil gusto kong tulungan ang
papa mong makabawi sa pagkalugi,
pangalawa ay dahil hindi nagawang tumupad ng papa mo sa deal namin.” “Iyon
lang?” “Bakit, ano pa ang gusto mong isagot ko?” “H‑ha? Hindi, ang ibig kong sabihin
ay kung bakit mo naman naisip na ang kabayaran ay ang pakasalan.. ako?” “Sinabi
ko na ngang iyon ang dahilan e. Ano pa ba ang gusto mong marinig? Na. . mahal
kita?” Pinamulahan siya ng mukha sa
tinuran nito. Hindi niya malaman kung paano makakabawi. “H‑ha? Hindi iyon ang ibig kong
sabihin—” Nawalang bigla sa isip niya ang mga salita. “Ibig mong sabihin, handa
kang mag‑take ng risk na magpakasal sa
isang babaing total stranger sa ‘yo?” “A‑ano’ng
ibig mong sabihin?” Naguguluhan na siya.
“Look at me,” anito. “Don’t you remember anything?” Nalilito na siya sa
mga sinasabi nito. Sa halip na maliwanagan siya ay nadagdagan lamang ang pagkalito
niya. “Huwag mo ngang paguluhin pa ang usapan, inililigaw mo ako.” “Naaalala mo
noong nasa States ka, sa ospital? Kayong dalawa ng kapatid mo.” Kumunot ang noo niya. Sa ospital, sa
ospital. Tila may isang kutsilyong tumarak sa dibdib niya. Nanumbalik sa kanya
ang alaalang iyon. Mapait ang pangyayari noong anim na taong gulang pa lamang
sila ni Therese. Ayaw na sana niyang maalala iyon ngunit heto si Ryder,
nagpapaalala na namang muli sa kanya niyon. Sa isang ospital noon sa America
isinugod ang mommy nila. Nakaramdam ito ng birth spasm habang ine‑enjoy nila ang kanilang bakasyon. Mahina ang puso nito at critical ang
nangyaring pagbubuntis nito. Alalang‑alala ang
kanilang ama dahil muntikan nang ikasawi ng mommy nila ang pagpapanganak sa
kanila ni Therese. Hindi inaasahan ang pagbubuntis nito, maliban sa kagustuhan
nito at ng ama nilang masundan pa silang magkapatid. Pero pinagpayuhan ang mga itong
mag‑ingat dahil siguradong magiging delikado
ang susunod na pagbubuntis ng mommy nila.
Nasa operating room ito noon at sila ni Therese ang nagbabantay rito.
Ang ama nila ay inaayos ang hospital bills matapos masiguradong inaasikaso na
ng mga manggagamot ang mommy nila. Umiiyak noon si Therese habang siya’y nakaupo
lamang sa tabi nito, pilit na pinatatag ang dibdib sa maaaring mangyari sa
mommy nila. Pinigil niya ang mga luhang nagpupumilit na sumungaw sa mga mata
niya. Hanggang maaari ay ayaw niyang
umiyak. Sana ay naging lalaki siya para hindi siya ganoon ka‑emotional, isang lalaking matatag
ang dibdib sa anumang bagay. I’ll be brave, Mom, just like what you wanted me
to be, promise, sabi niya noon sa sarili.
CHAPTER FIVE
“WHY ARE you crying?” tanong ng
isang batang lalaki, agad na nilapitan si Therese. Sa tantiya ni Sandra ay mas
nakatatanda ito sa kanila. “Where are your parents?” tanong nito sa kanila. Itinuro
ni Therese ang operating room, patuloy sa paghikbi. “Inooperahan ang mommy
namin. Gusto nang lumabas ng baby sa
stomach niya. Baka mamatay si Mommy. .” “Therese!” saway niya sa kapatid.
“Hindi mamamatay si Mommy!” Gusto na rin niyang umiyak ngunit nagpigil na
lamang siya. “Huwag ka nang umiyak. Look at your sister, hindi siya umiiyak,”
paliwanag ng batang lalaki kay Therese. “Kung gusto n’yo, maglaro muna tayo
roon,” aya nito sa kanila. Agad naman silang sumunod dito. “Ako nga pala si Ryder. Ikaw, ano’ng
pangalan mo?” tanong nito kay Therese. “Therese. Siya si Sandra,” pagpapakilala
ng kanyang kapatid. “Ilang taon na kayo? Ako, eleven lang ako, kasama ko ang
papa ko, kasi nagpapa‑check up
siya. Nasaan ang papa n’yo?” “Wala siya. Mayroon lang daw siyang aayusin. .” Tumingin
sa itaas si Therese na waring nag‑iisip. “Sabi niya babalik daw siya agad.” Tila
nawawala na sa isip nito ang iniiyakan kanina. Sa malawak na bakuran ng ospital
sila dinala ni Ryder. Naaliw sila sa paglalaro. Tila ba nakalimutan na nilang
magkapatid ang kalungkutang kanina ay bumabalot sa kanila. Kahit na paminsan‑minsan ay napapatigil at naalala
nila ang nangyari ay agad silang kino‑comfort ni
Ryder. Kay Ryder sila nakahanap ng isang masa‑sandalan sa mga panahong iyon. He acted as their
big brother ngunit kadalasan ay si
Therese ang pinagtutuunan nito ng pansin. Marahil ay dahil ang kapatid niya ang
parating umiiyak at naglalambing dito. Samantalang siya ay umiikot ang mundo
para sa ina. Sa bawat araw na magkikita sila ay ganoon ang naging papel sa
kanila ni Ryder. Labis na ikinatuwa iyon ni Therese kung kaya’t minsan, kahit
na kinakausap pa niya ito ay mangungulit itong makipaglaro sa kapwa‑bata. Masaya na rin siya nang ganoon dahil at least ngayon ay hindi na
laging umiiyak ang kapatid. “Hindi ba kayo nag‑aaral?” minsan ay naitanong ni Ryder sa kanila.
“Hindi ba kayo pumapasok?” “Hindi naman dito ang school namin, e,” ani Therese.
“Saan ba ang school ninyo?” “Doon pa sa amin. Pero hindi kami pumapasok, kasi summer
vacation namin. E, ikaw, hindi ka rin nag‑i‑ school?” “Nag‑aaral.
Pumunta lang ako rito, kasi sinasamahan ko lang ang papa ko. Saan ba kayo nakatira?”
“Doon pa sa malayo, sasakay pa ng airplane.” “Ang layo naman. Paano ko pa kayo
mapu‑ puntahan?” “E, di sumakay ka ng
airplane.” “Hindi ako papayagan ng papa ko. Kailan ba kayo uuwi para sasama na
lang ako sa inyo?” “Sasama ka sa amin
pauwi?” biglang pagsingit niya. Nabigla si Ryder sa kanya ngunit bakas sa mukha
nito ang willingness at masayang ngiti. “Oo! Kahit kailan, kahit saan.” “Sabi
mo, hindi ka papayagan ng papa mo.” “E, di isasama ko siya.” “E, paano kung
hindi siya pumayag?” tanong ni Therese. “I’ll go with you alone,” desididong
sagot ni Ryder. “Magagalit siya—” tukoy
niya sa ama nito. “Hindi. Malaki na ako. I can take care of myself.” At bahagya
pa nitong iniliyad ang dibdib na tila nagmamalaki. Umirap na lamang siya.
“Bahala ka na nga.” Biglaan ang mga sumunod na pangyayari. Naka‑survive ang mommy nila sa
panganganak, ngunit premature ang baby; binigyan lamang ito ng tatlong araw.
Kung makaka‑survive
iyon matapos ang tatlong araw ay tiyak na ang kaligtasan nito. Ngunit wala pang dalawang araw ay namatay ito.
Hindi iyon nagawang tanggapin ng mommy nila; bigla ay inatake ito sa puso. Hindi
na rin marahil nilabanan ng mommy nila ang kamatayan dahil sa sobrang
kalungkutan. She and her sister were devastated—higit ang ama nila. Kung kailan
pa kinailangan nilang magkapatid ang isang mapagkukunan ng comfort at saka
naman hindi dumating si Ryder. Si
Ryder. . “IKAW. .?” manghang sabi ni Sandra matapos manumbalik sa kanya ang
lahat. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. “Akala ko ay hindi
mo na ako makikilala.” Tuwid pa rin ang tingin ni Ryder sa kanya, pati ang mga
mata ay nakangiti. “Paano mo ako nakilala?” Gulung‑gulo ang isip niya. “Do you.. mean
you already knew na ako ang pakakasalan mo?”
“Yes,” he said simply. “Simula noong magkakilala tayo ay lagi ko nang
ninanais na makita ka. I have developed this certain feeling for you. Not just
as a brother, it was deeper. Masama ang loob ko noon kay Papa noong lumipat
siya ng ospital. Gumawa ako ng paraan para makabalik sa ospital na iyon para makapagpaalam
sa inyo, but I came late. Wala na raw kayo roon, sabi ng nurse. I swore that I
would find you someday and somehow.” “Paano
mo nalaman kung saan kami hahanapin?” “Nakita ko noon minsan ang papa mo, pero hindi
kami nagkakilala nang personal. Pero natatandaan ko ang mukha niya. At nakita
ko ang mukhang iyon sa photo album ng papa ko. Sabi sa akin, best friend niya
ang papa n’yo, he told me many things about him.” “Then?” “Then I grew up with only you in my mind. Minsan
nga ay gusto ko nang magpatulong kay Papa dahil ang babaing hinahanap ko ay
abot‑ kamay ko lamang. Pero hindi,
hindi ko siya gustong biguin. Ipinapangako niya sa aking ang pag‑aaral ko muna ang asikasuhin ko,
wala munang girls involved. It was an easy task really, I couldn’t care for any
other girl but you. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong noong mga panahong
iyon ay natupad ko ang pangakong iyon
kay Papa. I was in a liberated country and girls were following me everywhere, hindi
sa pagyayabang. Alam kong alam ng papa ang mga escapades ko sa mga babaing
lihim kong nakakarelasyon, although wala naman akong sineryoso. I just gave
them what they wanted.” Tumigil ito at marahang hinaplos ang pisngi niya. “But
not even a swarm of beautiful women could replace you in my heart, Ally. And
until now, there’s only you,” pahayag
nito sa mga nangungusap na mga mata. “Noong makapagtrabaho na ako, I hired somebody
to watch and spy on you. Alam ko ang bawat pangyayari sa buhay mo. Then when I
was about to make my move, my luck came. Blessing in disguise ang pagkamatay ng
papa. Bago iyon. . kinausap niya ako tungkol sa deal nila ng inyong ama. Noon
ako nagsimulang magplano. Bahagi niyon ang pagpapakasal ko sa ‘yo. .” “You mean, pinakasalan mo talaga ako dahil.
.” sambit niyang hindi makapaniwala. “Yes—” Tumayo ito at lumapit pa sa kanya.
“I married you because I love you. Then, now, and forever.” He leaned and
kissed her. Ngunit hindi niya tinugon ang halik nitong iyon. She was shocked by
the truth. Pain struck her heart. Hindi niya matanggap ang katotohanang narinig
niya mismo sa mga labi ni Ryder. Mahal nito
si Therese. Ngayon ay harap‑harapan
pang ikinumpisal nito iyon sa pag‑aakalang
siya si Therese. Hindi niya malaman ang gagawin. Nakita niya sa mga mata ng
asawa ang lubos na pagmamahal. Labis‑labis,
sobra sobra. Kung sana’y hindi na siya nag‑usisa.
Ngunit huli na para magsisi. Isang malaking problema ngayon kung sakaling
malaman nitong hindi siya si Therese. Mamumuhi ito sa kanya at hindi niya
kayang tanggapin iyon. Ang isipin
lamang kung paano mamuhi ang kaisa‑isang
lalaking pinaglaanan niya ng puso at lahat ay nagpapabigat sa kanya na para
bang masisiraan siya ng bait. “I’m through confessing.” Nakangiti ito sa kanya.
“Now, it’s your turn.” He lifted her chin. “What’s this?” Pinahid nito ang luha
sa kanyang pisngi. “Why are you crying? Nagiging emotional ka na yata. Gusto ko
na tuloy isipin na mahal mo na ako,” birong‑totoong
turan nito. Hindi niya magawang mag‑angat ng tingin. Alam niyang
umaasam ito, sa tinig pa lang nito ay alam na niya. Ngayon ay may mas malaking balakid
upang sabihin niya rito ang tunay na nadarama. Nang wala itong matanggap na
katugunan mula sa kanya ay narinig niyang humugot ito ng malalim na paghinga.
“Kung gusto mo ay tumuloy na tayo sa loob. Gabi na at alam kong kanina ka pa
giniginaw. If it ails you that much, then
huwag na muna nating pag‑usapan ang
tungkol sa bagay na iyan.” At inakay na siya nito patungo sa rest house. Huwag
pag‑usapan? Hanggang kailan niya maitatago
ang katotohanan? NAIS pa sana ni Ryder
na magtagal pa sila roon ngunit napansin niyang tila laging malungkot ang asawa.
Hindi naman niya magawang tanungin ito.
He asssumed na homesick ito, at nahihiya lang itong magsabi sa kanya. Pagdating
sa bahay nila sa Parañaque ay hindi pa rin nagbago ang mood nito. Kung minsan
ay nais na niyang usisain ito ngunit tila may humahadlang sa kanya. My dear,
dear Ally. . He will do anything just to make her happy, just to make her feel
normal again. It ailed him that much to see her like that. Kung bakit kailan ipinagtapat na niya rito ang totoong dahilan
ng pagpapakasal niya rito ay saka naman ito lalong nagkaganoon. At nasasaktan
siya; marahil, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nito magawang mahalin. But
he was sure as hell that she loved him. O nagkamali lamang siya ng akala? “O,
malalim yata iyang iniisip mo, a.” Si Adrian, matalik niyang kaibigan, ang
pumutol sa pagmumuni‑muni niya. “O, anong masamang hangin ang nagdala sa iyo
rito?” tugon niya rito; agad namang kampanteng naupo ito. “Gusto lang kitang
bisitahin.” “I doubt na iyon lang ang pakay mo. Iba‑iba ang dahilan mo kapag
nagpupunta ka rito. Now tell me, what brought you here?” “Let’s just say that.
. my presence here serves as an invitation.” “Saan?” “Nagpahanda sina Mama’t Papa. Thirtieth anniversary
nila, remember? Bring your wife para naman makilala nila.” “Oo nga pala.” Tiyak
niyang hindi birong handaan lang ang magaganap. Close friends, mga importanteng
tao, kamag‑anak.
Kapag nag‑party ang
pamilya ni Adrian ay tiyak na magarbo. Umiling siya. “She wouldn’t like that.
Magagalit lang iyon sa akin.” “Ow? Why
not try? Vivian will be there, perhaps the two of them could have a little
talk,” pilit nitong ang tinutukoy ay ang asawa nito. “Baka magkasundo sila.” Hindi
siya agad nakasagot; bagkus ay muling napalayo ang abot ng tingin niya. “Hoy!”
Pinitik nito ang daliri upang mawala siya sa pagmumuni‑muni. “Hayan ka na naman. Kanina
ka pa nakatulala, e,” paninita nito. “Bakit ba? Si A. . Alexandra?” “Alesandra,” pagtutuwid niya. “Nahahawa tuloy
ako sa kanya.” “Bakit?” “Ewan ko nga, e. Her behavior really bothers me.
Nahihirapan na ako.” “Tell me, ano ba kasi ang problema mo kay. .” Sinadya
nitong hindi banggitin ang pangalan ni Sandra baka magkamali muli ito. “Alesandra,”
sagot ni Ryder. “Alesandra,” ulit nito
kasabay ang pagsang‑ ayon. “Hindi
ko alam kung ano’ng nangyayari sa kanya. Kung minsan ay gusto ko nang maasar.” “Bakit?
Nagkaroon ba kayo ng misunderstanding?” “Wala, it’s just that she had changed.”
“What do you mean? Ang gulo mo!” reklamo ng kanyang kaibigan. “I know something’s bothering her. Hindi naman
puwedeng bigla na lang siyang mananahimik at laging nakatulala nang walang dahilan.
Maayos naman kami, but suddenly everything changed. Mas naging malayo siya sa akin
ngayon. I already want to lose hope.” “Kailan pa ba iyan nagsimula?” Napakuwento
siya nang wala sa oras. Si Adrian naman ay nangingiti‑ngiti na parang batang nakikinig
ng fairy tale. “Ang bagal mo pala. Pero
bilib ako sa ‘yo, ‘di ko akalaing makakatiis ka nang ganoon katagal, ikaw pa. Knowing
you for being a womanizer,” pambubuska nito. “Shut up! Just give me your damn
opinion, all right.” “Baka naman nabigla siya sa ginawa mo. Hindi mo yata
dinadahan‑dahan,
nagka‑shock tuloy.” Sa halip na magalit ay hindi sinasadyang napangiti
siya sa alaalang iyon na nanumbalik sa kanya. Hindi siya agad nakatugon. “O,
nangingiti ka. Siguro tama ako, ‘no?” panunukso pa nito. Nanatili ang ngiti sa
kanyang mga labi ngunit agad din namang napalitan ng pag‑aalinlangan. “Hindi puwede iyon.
Kung nabigla man siya, bakit noong umaga, e, normal pa rin siya?” “E, bakit hindi mo siya tanungin kung ano
ang problema niya? Kaya nga kayo tinawag na mag‑ asawa, para to share everything.” Kung sa bagay ay
may punto ito. “Hindi dapat. Siya ang dapat na magsabi niyon nang kusa niya,”
tanggi niya. “Ayoko ng pinipilit siya.” “Bahala ka, desisyon mo naman iyan.” “Gusto
kong bumalik ang dati. I want my old wife back.” “Kaya nga, bring her with you. Siguro, all
she needs is a different atmosphere. Nako‑confine na
yata siya sa bahay ninyo.” “I don’t know.” Dismayado siyang napailing. “Ayon sa
kapatid niya, hindi raw iyon partygoer. Noon ngang ikasal kami, ni hindi siya
nakikisali sa mga bridesmaids sa pagsasaya.” “Then why not try now? Come on,
Ryder, huwag mong palampasin ito. Sina Mama mismo ang nagpadala sa akin dito para imbitahan
ka. They really want to make sure that you’ll come.” Hindi niya kayang biguin
ang mama nito. Parang anak na ang turing niyon sa kanya. Matagal bago siya
sumagot. Nang makaisip ng gagawin ay saka buong kalaparang‑ngiting tumango siya rito. “So,
we’ll expect you then?” paniniyak nito.
Tumango lamang siya. “Give my regards to your mom and dad,” pahabol niya
bago ito makalabas ng silid. He did all the necessary arrangements. Binilinan
niya si Ising, ang matapat na alalay ni Sandra, kung ano ang dapat nitong
gawin. At palibhasa ay disinuwebe anyos pa lamang ay agad naman itong nakisakay
sa plano niya. “SUMAMA ka sa akin
tomorrow night,” panimula ni Ryder makalipas ang tatlong araw na preparasyon.
Nag‑aagahan sila. “Saan mo naman ako
dadalhin?” Sarkastiko ang tinig ni Sandra. Isang nakakalokong ngiti ang gumuhit
sa mga labi nito. “O, ano’ng iningingiti‑ngiti mo
riyan?” Inirapan niya ito. “Did
somebody already tell you that you’re so beautiful when you’re angry?” Kumibot
ang kanyang labi at sarkastikong ngumiti rito. “Thank you, but I’m sorry at
gasgas na iyang linya mo.” “Even if you frown, maganda ka pa rin.” She just
glared at him and continued eating. “I want to be at your best.” “Ganoon ba
kagrande ang pupuntahan natin?” Tumango
lang ito habang patuloy sa pagkain, hindi tumitingin sa kanya. “Wala akong
damit para doon,” alibi niya. “Ako na’ng bahala roon.” “Mapapahiya ka lang sa
akin, magkakalat lang ako.” “Just come, then you’ll see everything will be all
right.” “Paano kung sabihin ko sa ‘yong ‘di ako sasama?” hamon niya. “Kung kailangang ikulong kita sa kotse para
‘di na makatanggi ay gagawin ko. Sasama ka sa akin whether you like it or not.”
“I assure you you’ll regret this. Sasama ako sa ‘yo pero do not blame me for
any thing that might happen.” Tumango lamang itong parang bata.
CHAPTER SIX
“ATE, IKAW ba ‘yan?” pabirong puri
ng maid na si Ising sa kanya. At tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa.
“Halos ‘di na kita makilala. Sabagay, lagi ka namang maganda.” “Tumigil ka!”
Nailang siya sa biro nito. “Tumayo ka na riyan at baka kagalitan tayo ng kuya
mo pagdating natin sa bahay. At para namang hindi ka nanonood nang inaayusan
ako.” “Ate, nanood ako dahil pinag‑aaralan ko kung paano ang mag‑ayos ng buhok at mag‑apply ng makeup. Pero hindi ko
tinitingnan kung ano’ng itsura mo. Pero, Ate, tingnan mo talaga, siguradong
magugulat si Kuya kapag nakita ka.” At tila kinikilig pa ito. Iniharap siya ni
Ising sa salamin. Kitang‑kita niyang
kontodo ngiti ito na para bang isang tagahanga. Nakita rin niya ang sarili sa
salamin. Totoo nga ang pinagsasasabi ni Ising, bagaman hindi naangkop ang suot niyang blouse at
slacks. Kung si Ryder din lang ang tatanungin ay sapat nang simple lang ang
ayos niya. Ngunit sa isip niya’y hiniling na sana’y matapatan niya ang
kagandahan at galing ni Therese sa pagdadala ng sarili. Ayaw niyang mapahiya si
Ryder sa mga kaibigan nito nang dahil lamang sa kanya. Para kung sakali mang magkabistuhan
ay wala siyang masamang alaalang
maiiwan dito; lahat ay gusto niyang maganda. Ayaw man niyang ikompara ang
sarili kay Therese ay kailangan dahil kailangan niyang maabot ang level of
femininity ng kapatid. Yaman din lamang na nagpapanggap siya bilang si Therese
ay nararapat lamang na iangkop ang sarili niya sa katauhan ng kapatid. Kahit na
napakasakit isiping hindi siya ang mahal ni Ryder. Sana’y siya na lamang si
Therese. HALOS ipagtulakan siya ni
Ising na makapasok sa bahay, tila excited sa magiging reaksyon ng Kuya Ryder
nito. “Dalian mo, Ate. Kanina pa naghihintay si Kuya sa itaas.” “Oo na, huwag
mo akong itulak at baka ako masubsob,” saway niya ritong nakabuntot sa kanya
hanggang sa may pinto ng silid nila ni Ryder. “Hanggang dito ka na lang, doon
ka na sa trabaho mo. Dali!” mahinang
pagtataboy niya rito. Nakasimangot na umalis ang pobre. Napagbuksan niya si
Ryder habang nakatayo ito malapit sa bintana na tila malalim ang iniisip. Agad
naman itong humarap sa kanya nang maramdamang dumating na siya—isang ngiti ang ibinungad
nito sa kanya. “Ano’ng inginingiti‑ngiti mo riyan?”
pagtataray niya. “Magbihis ka na.”
Tumingin ito sa relong nasa bisig. “Baka ma‑late tayo
sa pupuntahan natin.” “Maghintay ka. Sinabi ko naman sa iyong ayokong sumama
but you forced me. Ngayon, bahala kang maghintay riyan!” “Okay, okay. Magbihis
ka na lang.” Bago pa man niya buksan ang closet upang kumuha ng isusuot ay
mataman niyang tiningnan si Ryder, nakataas ang isang kilay at nakahalukipkip. “Kaya kong magbihis mag‑isa, kaya hindi mo na ako
kailangang bantayan.” “Nahihiya ka bang magbihis sa harapan ko?” panunuya nito.
“Ilang beses ko ba kailangang sabihin sa iyong ayokong may nanonood sa lahat ng
gagawin ko? Hindi na ako bata.” “Yes, I know,” makahulugang tugon nito. Hindi
na nito hinintay na makasagot siya. Tuluyan na itong lumabas ng silid. Agad naman niyang nakuha ang ibig nitong ipakahulugan
kaya pinamulahan siya ng mukha. Ano pa ba ang silbi ng pagtatanggol sa sarili
kung alam niyang kaya nga nitong patunayan na hindi na siya bata? At matagal na
nitong nalaman iyon. Akmang bubuksan na niya ang closet upang kunin ang damit
na kabibili lamang niya kahapon para sa pupuntahan nila ng kanyang asawa nang napatigil
siya. Napasimple ng damit na iyon,
pihadong magmumukha lang siyang alalay roon. Ano ba naman kasi ang magagawa
niya kung hindi siya ganoon kagaling sa pagpili ng damit tulad ni Therese?
Hindi bale na lang, sabi niya sa sarili. Iaayos na lamang niya ang kilos, kahit
mahirap. Bakit ba naman kasi hindi siya pumayag noong pilit siyang tinuturuan
ni Therese kung paano kumilos nang pino? Oh, well! Ano ba ang magagawa ko? Nang buksan niya ang closet ay magkahalong pagkagulat
at pagtataka ang naghari sa kanya. Paano’y wala na roon ang mga damit niya. .
lahat! Pati na rin ang damit na binili niya. Bukod sa isa. Ang kaisa‑isang damit na naroon. Batid
niyang ang lahat ng iyon ay kagagawan ng pinakamamahal niyang asawa. At wala na
siyang ibang option kundi ang isuot ang damit na iyon. Tutal ay wala na siyang
mairereklamo dahil bukod sa damit na iyon ay naroon na rin ang iba pa niyang kailangan: sapatos at mga damit‑pang‑ ilalim. Nagtugma ang lahat nang iyon. Pakiramdam
tuloy niya ay isa siyang modelo. Nakadagdag pa sa taas niya ang heels ng
sapatos; kahit medyo hirap siyang lumakad dahil sa taas ng takong ay sinikap na
lamang niyang magdahan‑dahan sa
paglakad. Maging sa pagbaba ng hagdan ay naging maingat siya. Nagulat nga siya
dahil hindi siya makapaniwalang hindi naman pala ganoon kahirap ang paglalakad sa takong na iyon.
Ngunit takot lang siyang matapakan ang damit o hindi kaya’y matalisod dahil na
rin sa kataasan niyon. Si Ryder naman ay kanina pa naghihintay sa kanya.
Pusturang‑pustura
din ito, makisig na makisig sa suot na damit. Hindi naman talaga nakapagtataka
kung marami itong eksperyensiya sa babae; kitang‑kita naman niyang kahit ano ang ibihis ng asawa,
rugged man o formal, ay bagay rito at kaya nitong dalhin. “You look wondeful,” puri nito sa kanya habang
walang tinag ang pagkakatitig sa kanya. “You don’t look bad yourself,” ganti
niya habang inaabot nito ang kamay niya at umalalay sa kanya habang binabagtas
niya ang natitirang hakbang sa hagdan. Pagkaraan ay inalok nito ang bisig nito
kung saan ipinatong niya ang kamay. Pakiramdam niya’y tila tuluyan nang naglaho
ang pagka‑boyish
niya at muling nabuhay ang femininity na matagal na niyang pinatay sa katauhan niya. At ang lahat ng iyon ay dahil
dito—he treated her like a princess as if isa siyang babasaging kristal na
iniingatan dahil baka magasgasan. SA
TOTOO lang ay kabadung‑kabado
siya. Hindi kasi siya sanay pumunta sa mga malalaking pagtitipon na tulad ng
pagtitipon na pupuntahan nila. Bilang na bilang lang ang mga party na dinaluhan
niya. Hindi tuloy niya malaman kung paano
ang tamang ikilos sa mga ganoong situwasyon. Parang namanhid ang buo niyang katawan
at hindi niya maigalaw ang mga paa upang bumaba ng sasakyan. Nakalahad ang
isang kamay ni Ryder upang alalayan siya sa kanyang pagbaba. “We’re here,” anito.
Ngunit tiningnan lamang niya ito. Tila takot na takot siyang magpakita sa tao.
He held her chin and lifted up her
face. “It’s okay, love. I’m here.” At ginawaran siya nito ng halik sa noo. Kapagdaka’y
nahikayat din siya nitong tumungo na sa loob kung saan alam niyang maraming tao
ang magtitinginan sa kanya. Pinilit niya iyong iwaksi sa isipan upang mabawasan
ang hiyang nadarama niya. Alam din niyang nagiging awkward na siya sa paglakad
na hindi niya malaman kung dulot ng panginginig ng mga tuhod o dahil sa takong
ng sapatos. Tama ang kutob niya nang
makapasok sila sa marangyang hardin nina Adrian. Pinagtitinginan siya ng mga
tao. Hindi niya maipaliwanag ang reaksyon ng mga ito dahil itinungo niya ang
ulo. “See, what did I tell you?” bulong ni Ryder sa tainga niya. “Look at them,
don’t bow your head,” mahina nitong sabi. May di‑iilang kakilalang nauna sa kanilang dumating ang
bumati sa kanila, hindi rin naiwasang mapuna ang kagandahan niya. Kung minsan ay kahit na sa harap pa mismo ni
Ryder ay ilang kalalakihan ang nagpapakilala sa kanya. Nakangiti lamang ang
asawa kahit alam niyang nagpupuyos na ang damdamin nito. Mataktikang inilayo
siya sa mga ito. Nakaramdam naman siya ng kasiyahan sa nakikitang pagka‑possessive ng asawa. “Pare!” tawag
ni Adrian na agad naman nilang nakita. “Kanina ko pa kayo hinihintay. Bakit ang
tagal ninyong dumating?” “Actually,
kanina pa kami dumating, marami lang kasing nakilala si Misis Beutiful.” Sa
tono ng asawa ay may napisil si Sandra, at ngayon ay napatunayan na niyang
halos mamatay na ito sa kaseselos. Isang lihim na ngiti ang sumungaw sa kanyang
mga labi. “And, thank God, nakita mo agad kami.” “I can see what you mean.”
Pilit mang itago ni Adrian ang paghanga sa kanya ay tila hindi nito magawa. At
napansin pa yata nito ang mga mata ng
asawang nagbabanta rito. “Come on, Ryder, it’s not what you’re thinking,” agad
nitong sabi. “Good.” Her husband’s tone was flat but meaningful. “Hi, Ryder!”
bati ng isang seductive female voice. Halos magkakasabay silang naglingunan sa direksyong
pinanggalingan niyon. Isang magandang babae ang agad na sumukbit sa braso ni
Ryder at nakuha pang ngumiti sa kanya. They
were all stunned, lalo na siya. Si Ryder naman ay agad na napatingin sa
kanya; napansin niyang pati si Adrian ay namumutla. “It has been a long time
since I last saw you. .” dugtong pa ng babaing ang tinutukoy ay si Ryder. “Um,
yes. A very long time.. ” Agad na naging pormal ang tono ni Ryder. “Antoinette,
remember Adrian?” “Of course, hello, Adrian,” bati nito sa lalaki. “Hello,”
ganting‑bati ni Adrian. “And this is. .” Kinabig siya ni Ryder sa baywang
palapit dito. “My wife.” Sadyang diniinan nito ang “wife,” marahil ay upang maitaboy
ang babae. “So you’re the lucky one.” At humalik pa ito sa pisngi niya. Ngunit
hindi siya nagsalita; bagkus ay ikinurba niya ang mga labi sa isang bahagyang
ngiti. “Uh, Antoinette, perhaps you’d like to try the punch, I’d also like to
introduce you to some of our friends,”
ani Adrian, hayag ang pagkadama nito sa tensyon nang mga sandaling iyon, kaya nagpupumilit
na ilayo ang babae. Ngunit bago pa man ito tuluyang umalis ay tumingin muna ito
nang makahulugan kay Ryder na para bang may sinasabing kung anuman. Agad ang
pagbangon ng kaba ni Sandra. Nakita rin niyang tumiim ang mukha ng asawa. Hindi
man niya tuwirang naiintindihan ang tahimik na pag‑uusap nito at ni Antoinette ay batid niyang may mangyayaring hindi maganda sa
gabing iyon. Mula nang iwanan sila nina Adrin at Antoinette ay pirmi na lamang
ang kapit ni Ryder sa kanya na para bang may nais na ipahiwatig. Kahit na
maging sa pagkakaupo ay nanatiling nakahawak ito sa kamay niya. At palibhasa’y masyado
siyang nadarang sa nagdaang pangyayari ay tila nawala siya sa reyalidad. Hindi niya
maintindihan ang sinasabi ng asawa, tatangu‑tango lamang siya sa bawat sabihin
nito. Sa isip niya ay kung ano ang nais ipahiwatig ng makahulugang tingin ng
babaing iyon dito. “Are you okay?” Pinisil nito ang kamay niya at saka lamang
siya nanumbalik sa sarili. “Y‑yes. .”
Tumango siyang muli. Napansin niyang sumulyap ito sa dakong likuran niya kung
saan alam niyang doon nagtungo sina Adrian.
“Ikukuha kita ng inumin kung gusto mo,” alok nito. Dahil siguro sa kung
anu‑anong gumugulo sa isipan niya ay
napatango na naman siyang muli. Huli na nang maklaro sa isipan niya ang ginawa niya.
Napabuntong‑hininga na
lamang siya. Para ano pa ang paghabol niya sa asawa? Pinagalitan niya ang
sarili sa pag‑iisip ng
kung anu‑ano. Ayaw niyang pagdudahan ito. Ang kanyang pagmumuni‑muni tungkol sa dalawa ay napawi
nang may isang lalaking posturang‑posturang
biglang lumapit sa kanya. “Are you here alone?” tanong nito. “No.” “So. Are you
with a friend or perhaps. . your husband?” May tinutumbok ang salita nito. “Husband.” “He left you here? Alone?” May pagkaeksaherado
ang pagkagulat nito kaya sa halip na maaliw rito ay nayamot siya. “No. He’s
just getting us a drink.” Nagsisimula na ang katarayan niya. “Si Ryder ba?” “Yes.”
Nagpipigil na siya ng kanyang pagkayamot. Hindi maganda kung magpapakita siya
ng kagaspangan. “I think I saw him there.. with Antoinette.” Nairita siya sa kadaldalan nito. Masyadong atribido
ang lalaking ito! Hindi pa nga niya ito nakikilala ay masyado nang
nanghihimasok sa kanila ni Ryder. “I’m sorry. . but I don’t think I know you,” sarkastikong
sabi niya. “Pardon me, I forgot to introduce myself. I’m Mark Cabral.” Inilahad
nito ang kamay. Kahit na nagdadalawang‑isip at
hindi niya gustong makipagkamay ay inabot na rin niya ang kamay nito. But to her surprise, pag‑ugpong ng mga kamay nila ay
hinigpitan nito ang paghawak sa kamay niya para hindi niya agad ito mabawi. Inilapit
nito iyon sa mga labi nito. Agad naman niyang binawi ang kamay sa pangambang
may makakita sa kanila. Baka makita sila ni Ryder. “E‑excuse me.. ” Dahan‑dahan siyang tumitindig mula sa
pagkakaupo. “Pupuntahan ko lang saglit si Ryder. .” At nagdudumali siyang makaalis. “I’ll go with you,” prisinta nitong akmang titindig
nang hindi pa man siya nakakalayo. Agad siyang napaharap dito upang pigilan
ito. “No, no. It’s okay. Babalik ako.” “Promise?” Tumango lamang siyang hindi
mawari kung “oo” o “hindi” at saka tumalilis palayo. Patungo na siya sa buffet
table kung saan, ayon sa kanyang pagkakaalam, nagtungo si Ryder. Ngunit sa nakikita
niya habang pilit na hinahanap ito sa di‑ kalayuan ay wala ito roon. Luminga‑linga siya. Ngunit wala talaga
ito. Hiyang‑hiya man
siya ay itinuloy na niya ang kanyang paglilibot upang hanapin ito. Para siyang
tangang lalakad‑lakad at
lilinga‑linga hanggang sa mapagod.
Nakahanap siya ng mapupuwestuhan sa liblib na parte ng hardin. Isa pa ay
masyado siyang naaaliw sa iba’t ibang uri ng bulaklak na naroon. Her feminine
side was surfacing and all her boyish
attitudes started to melt. Sa buong pagkakaalam niya ay wala siyang kasama sa
lugar na iyon. Ngunit taliwas iyon sa totoo. Nakapulupot ang mga braso at kamay
ni Antoinette sa baywang ni Ryder. Ngunit ang pagkakadikit ng katawan ng una ay
hindi tinugon ng asawa, nanatiling hindi kumikilos ang mga kamay nito. “Ryder, darling. I miss you. I miss you so.”
Saka nito hinagkan sa mga labi ang kanyang asawa. Mapusok, maalab. Nakita
niyang hinawakan ito ng asawa sa magkabilang balikat, tila gusto nito itong
itulak. Tinitigan nito ito sa mga mata. “How can you do this to me, Ryder?” Magkahalong
hinanakit at pagmamakaawa ang tinig ng babae. “How?” “I didn’t do anything—” “You left me, you dumped me. And look kung sino
ang ipinalit mo sa akin. I gave you all. Lahat!” “Look, Antoinette, alam nating
pareho na ang namagitan sa atin ay parang.. ” “Fling? Iyon lang ba iyon? Iyon
lang ba ang tingin mo sa relasyon natin, fling? I gave you my everything,
including myself. Nakuha mo ako nang buo,” panunumbat nito. “I know. .” Ryder’s
voice was low. “And you still married
her. Ako ang dapat mong pinakasalan. Bakit mo siya pinakasalan, Ryder? She’s
nothing. .” “She is everything. I love her.” Isang sampal ang pinakawalan ng
babae—na tinanggap ni Ryder na walang sinasabing anupaman. “Ginamit mo lang
ako.. ” Lumayo rito ang babae. “Ganoon ba ako sa ‘yo, palipasan?” “Never say that again! Alam mong kasalanan mo
kung bakit natapos ang relasyon natin noon. Kaya huwag mo akong sumbatan na
parang ako’ng may kasalanan,” matigas ang tinig na sabi ni Ryder. “Bakit? Hindi
mo ba matanggap na nagising ako sa kabaliwan ko at alam kong ginawa mo lang akong
dibersyon?” “Ni minsan ay wala isa man sa mga babaing nagdaan sa buhay ko ang
ginawa kong dibersyon. I gave them what
they want, nakuha mo rin naman ang gusto mo, ‘di ba?”
CHAPTER SEVEN
MULA sa pinagkukublihan ay patuloy
na nakikiramdam si Sandra. “Then ano ako sa buhay mo, Ryder?” Lumapit muli si
Antoinette at muling dumaiti ito kay Ryder. Marahang itinaas ng asawa niya ang
baba ng babae. “You’re a special person with a special place in my heart,
Antoinette.” “What happened, Ryder?
Kahit kailan ay ‘di mo ‘ko tinawag sa buong pangalan ko. Ano’ng nangyari sa
endearment mo sa akin?” Hindi tumugon ang kanyang asawa. “Do you love me,
Ryder?” “I did love you. I loved you bef—” Pero muling pinutol iyon ng babae sa
pamamagitan ng nag‑ aalab na
halik. Parang nagpanting ang tainga ni Sandra. Nabingi siya nang mga sandaling
iyon. Kanina ay hindi niya malaman kung
ano ang pinagdidiskusyunan ng asawa at ni Antoinette. Ngunit ngayon, sa
pagkakahawi niyang iyon sa mga sangang nakatabing sa eksenang iyon ay nagliwanag
ang tunay na laman ng usapan ng mga ito. Nais man niyang takpan ang kanyang
tainga ay wala ring silbi. Hindi na niya kayang makita pa ang disgusting scene
na iyon. Lumayo siya sa mabibigat na paa. Inayos niya ang sarili, pati na rin ang paglakad, at bagaman nakatungo ang
ulo ay tiniyak niyang umasta siyang tila wala siyang nakitang hindi kanais‑nais. Lunod sa luha ang mga mata
niya. At dahil nakayuko ay hindi sinasaddyang bumunggo siya sa malapad na
dibdib ng isang lalaki. “Hindi ka na bumalik, nainip ako kaya sinundan kita.” Ha!
At nandito pa ang isang hindi kanais‑nais. “Leave me alone!” singhal niya rito at saka binirahan
ng alis. Sa mga pagkakataong iyon ay gusto niyang mapag‑isa at ang presensiya ni Mark ay
tila sumasakal sa kanya. Ngunit maagap ito at nagawa nitong maabot ang braso
niya upang siya’y pigilan. “Teka, teka, alam ko kung ano ang nakita mo. At alam
ko rin kung gaano kasakit iyon.” At hinila siya nitong palapit. Salubong ang mga kilay niya ngunit naramdaman
niyang patuloy sa pag‑agos ang luha
niya. “Don’t cry. Hayaan mo na lamang sila,” sabi ni Mark habang nakaakbay sa
kanya at inaakay patungo sa mesang kinauupuan nila kanina. Saglit itong
nagpaalam upang maikuha siya ng maiinom. “Here, have a drink para mahimasmasan
ka.” Iniabot nito ang baso ng juice sa
kanya at saka naupo sa tabi niya, hindi inaalis ang pagkakatitig sa maganda
niyang mukha. “Stop staring,” saway niya rito. “I’m sorry,” paumanhin nito.
“Alam mo bang we’re sharing the same sentiments?” Tumingin siya ritong waring
nagtatanong kung ano ang nais nitong sabihin. Bahagya itong ngumiti. Mapait ang
ngiting iyon. “Antoinette’s my girl.” Napasinghap
siya sa narinig. “Bakit mo hinahayaang—?” “Ikaw, bakit mo sila hinahayaan?”
balik‑tanong nito. Nagyuko siya ng ulo.
“Wala akong magawa.” Dahil kahit kailan ay hindi naman talaga niya ako minahal.
. “Exactly. Wala rin akong magawa. Why? Dahil alam kong si Ryder pa rin ang
hinahanap‑hanap niya. Antoinette left me para sumama kay
Ryder. I was so hurt,” salaysay nito. Ngunit wala na roon ang isip niya. Wala
na siyang pakialam sa relasyon ng dalawa. Ang malinaw ay nagsama ang mga ito.
Hanggang ngayon ba? Nahagip ng tingin niya ang hawak na baso ni Mark. “Ano
‘yang iniinom mo?” tanong niya. “Ito? Scotch.”
Nagulat ito nang bigla niyang kunin ang baso mula sa pagkakahawak nito.
Una’y uminom siya ng kaunti, tumikim. Bumakas sa mukha niya ang mapait na lasa
ng inumin at bahagyang naubo. Ngunit tila hindi siya nakontento at nilagok iyon
hanggang sa kasimut‑simutan.
Pinigilan na lamang niyang muling mapaubo. “Are you okay now?” tanong ni Mark
na hindi naitago ang pagkamangha. “Meron
pa ba niyan?” wala sa sariling tanong niya. “W‑what? No. I mean, kung gusto mo, ikukuha na lang
kita.” “H‑hindi,
salamat. Ako na lang.” At saka siya tumindig patungo kung saan makukuha ang inumin.
Nang makita niyang akmang titindig ang lalaki ay sinenyasan niya itong babalik
siya at napahinuhod naman ito. Nagpakalasing
siya. Ngunit buo pa rin sa isip niya ang nakita sa hardin. Hindi niya nagawang bilangin
kung ilang baso ang kanyang nainom. “That’s enough—” Tinig ng isang lalaki. Blurred
na ang tingin niya kaya hindi niya maaninag kung sino ang nagmamay‑ari ng tinig na iyon. “Ano ba’ng
pakialam mo?” “Lasing ka na.” “Sino ka ba? Ikaw ba si Ryder?” Hindi tumugon ang lalaki, nanatili ito sa kinatatayuan.
“O, ba’t ayaw mong sumagot? Dali, sagot! Ikaw ba ang asawa ko?” “Oo ako nga.” “Bakit
malabo ang mukha mo? ‘Di naman ikaw ang asawa ko, a.” “Iyon ay dahil sa
kalasingan mo,” mahinahong paliwanag ng lalaki. “Kung ikaw talaga si Ryder, patunayan mo nga.”
“Ako si Ryder.” “Patunayan mo, sabi, e. Bakit ‘di mo gawin sa akin ‘yong ginawa
mo sa Antoinette na ‘yon.” Hindi nakahuma ang lalaki. “Ayaw mo? Ganito ‘yon—”
Kinabig niya ito hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi. “Ally, umuwi na
tayo,” sabi ni Ryder nang maghiwalay ang kanilang mga labi. “Ayoko pa, kita mo, ang dami pang iinumin.” “That’s
enough, sweet. Lasing na lasing ka na.” “Hindi pa sabi ako.. lasing. . tingnan
mo.. ” Tumayo siya, ngunit sa sobrang kalasingan ay bumagsak siya—at marahil,
kung wala roon ang asawa, ay sa semento ang bagsak niya. “Ha! My knight in
shining armour,” nakangiting sabi niya. “Yes, I’m here.” “My knight. .” “Let’s go home,” yakag nito. “No.. Take me
to heaven.” Walang pasintabing binuhat siya nito patungo sa sasakyan. He
positioned her next to him, beside the driver’s seat. Sinulyapan siya nito, at
tila hindi nito napigil ang sariling gawaran ng halik ang mapupula niyang labi.
Tiyak na nalasahan nito ang alak na ininom niya. Ang sumunod ay ang pag‑andar ng sasakyan at isang
mahabang biyahe. Sa dating lugar kung
saan una siya nitong naangkin siya dinala. Nang buhatin siya nito ay umungol
siyang tila ba tumatanggi sa ginagawa nito. “Where are you taking me?” mahinang
tanong niya. Hilung‑hilo pa
rin siya dulot ng ilang baso ng matapang na alak na nainom. “To the place where
you want to go.” Tumawa siya. But it
was more of a moan than a laugh—yet very seductive. “Huwag mo akong lokohin.
You can’t go there.” “Yes, I can, sweet angel, and I’ll take you there with
me.” Dahil hindi na niya kayang itaas ang ulo, isinandig niya iyon sa malapad
nitong dibdib. It seemed that the feel of him had eased the throbbing of her
head. MARAHAN siyang ibinaba ni Ryder
sa kama. “So.. are we.. in heaven?” May panunuya ang kanyang tinig. “Almost.” “Take
me there.. now. .” Her voice was now pleading. He kissed her lips, hungrily.
Dahil marahil sa pagsasanib ng espiritu ng alak at bugso ng damdamin ay tinugon
niya iyon with equal longing. Kung
gaano niya kadaling naisuot ang damit ay ganoon din kadali para kay Ryder na
alisin iyon hanggang sa tuluyan na iyong natanggal. Tuluyan nang naglaho ang
bawat kasuotang kanina ay bumabalot sa kanya. Ang pumalit dito ay ang init na
dulot ng yakap nitong tulad niya ay umaasa na lamang sa init na idinudulot ng pagyakap
nito sa kanya. “Love me, Ryder. .” “Yes. .”
“Now. .” Mataman siya nitong tiningnan. Alam niyang nakita nito ang
pangangailangang dapat nitong tugunin. At mga luha. . “Tears? Why, my sweet
angel?” Pero hindi siya sumagot. “Do you love me, Ryder?” “The angels in the
heavens above know how much I love you, Ally. .” “Make love to me.. ” And he did what she
said. . NAGISNAN ni Sandra ang sariling
nakakulong sa mahigpit na yakap ng asawa. Sinubukan niyang bumalikwas ngunit sa
kaunting paggalaw niya ay tila binibiyak ang ulo niya at lalo ring humihigpit ang
yakap ni Ryder. Hilung‑hilo siya.
Napahawak siya sa noo at saka hinilot iyon nang kaunti habang nakapikit. She suddenly felt Ryder’s teasing
lips kissing hers. She moaned. She needed air and her head hurt like hell.
Ngunit hindi ito huminto sa ginagawa. Ibinaba nito ang paghalik sa kanyang leeg
kaya siya nakahinga. He was teasing her to respond. Although she wanted to, she
just could not. Ang pananakit ng ulo niya ang pumipigil sa kanya. She remained
still. Her only answer were her moans, moans of pain and pleasure. “Good morning, sweet angel,” he said looking
at her with a wide smile across his handsome face. Hindi siya sumagot, ni
umungol. Umiikot ang paningin niya sa sobrang sakit ng ulo. Kaya mariin na
lamang niyang ipinikit ang mga mata. Naramdaman niyang bumangon ang asawa. Ngunit
pinanatili na lamang niyang nakapikit ang mga mata, at saka itinuloy ang
pagtulog. Naulinigan niya ang paglabas nito ng kuwarto. Sa pagpikit niya ay hindi sinasadyang
bumalik ang pangyayaring naging dahilan ng paglalasing niya. Parang isang
bangungot. She could see the two of them kissing: Ryder savagely devouring
Antoinette’s hungry lips. Para bang nananadya. Iminulat niya ang kanyang mga
mata upang mawala sa balintataw niya ang kasumpa‑ sumpang eksenang iyon. Dali‑dali siyang bumangon at saka nagbabad sa bathtub. Ilang minuto
ang inilagi niya sa tubig. Nagtatangis. Ano ba ang iniiyak‑iyak niya? Simula’t sapul ay alam
na niyang hindi siya mahal ni Ryder. Ang kaibhan na lamang ngayon ay hindi si
Therese ang ibang mahal nito. Ang konsuwelo na lamang niya ay nailigtas niya
ang pinakamamahal na kapatid sa pait na iyon. Pero paano naman siya? Isang
dakilang sawi. Ang lalaking unang bumihag sa puso niya, ang pinakatatanging
lalaking nagpadagundong sa bawat
pagpintig ng puso niyang pihikan, ang siyang dumurog sa kanya. Kailangan niyang
puluting muli ang sarili at buuing muli ang nasira. Ang mahalaga ngayon ay ang
kapatid niya. Laking pasasalamat niya dahil sa pagtatanan ng kapatid. ‘Buti pa
siya! Mabuti pa si Therese, may Jeffrey na, may Ryder pa. Bakit kasi hindi na
lang “Therese” ang ginamit niyang tawag sa kanya? Tutal ay pareho lang naman sila ng pangalan ng kapatid.
Ganito na ba siyang parati? Tagasalo ng kapatid? Shock absorber? Sandalan? Dali‑dali siyang umahon mula sa tub.
Ngunit naalala niyang wala nga pala siyang damit doon. Kaya napilitan na naman
siyang isuot ang damit ni Ryder. Kahit na labag sa kagustuhan niya ay wala
naman siyang magagawa. But to her surprise, maayos na nakasalansan ang mga
damit niya sa cabinet. Lahat ng damit niyang
parang bulang naglaho noon sa closet ay narito sa cabinet. Masinop ang
pagkakaayos. Lahat ay naroon, mula panloob hanggang pantaas at pang‑ibaba. Labis niyang ikinatuwa iyon
dahil sa pagkakataong iyon ay hindi niya nais na gamitin ang damit ng asawa.
Hindi niya nais magkaroon ng kaugnayan dito. At ang pagsusuot ng damit niyon
ang magdudulot lamang ng isang libo’t isang laksang sakit sa kanya. Matapos makapagbihis ay saka siya nagtungo sa
labas. Ayaw man niyang kausapin ang asawa’y kailangan. Kung anuman angg dahilan
nito sa pagdadala muli nito sa kanya rito sa rest house ay wala siyang
pakialam. Nais na niyang lisanin ito. Hahayaan na niyang mailibing dito ang pinakamatamis
na alaala nilang mag‑asawa.
Pati na rin ang pinakamapait. “Kumain ka na,” alok nito nang maabutan niya itong
naghahanda ng hapag. “Bakit dito tayo
tumuloy?” tanong niya. “Bakit? Ayaw mo ba rito?” Sa halip na tumugon ay
nagsimula na lamang siyang sumubo. “Baka magtagal pa tayo rito. Siguro naman ay
okay lang sa iyo,” ani Ryder. “Kaya ba dinala mo lahat ng damit ko rito na para
bang ‘di na tayo uuwi? I don’t intend to stay here, Ryder. Umuwi na tayo,” she
said flatly. “Okay, hindi tayo
magtatagal dito. We’ll go home soon.” “Kailan?” “After one week,” sagot nito. “Only
a day.” Tumingin muna ito sa kanya nang matagal bago nagsalita. “If that’s what
you want,” sang‑ ayon nito
kasabay ng pagkibit ng mga balikat. “But since gusto mong isang araw lang tayo
rito, I think we might as well consume
the remaining moments left for the two of us to be alone.” Nagkibit‑balikat lamang siya, parang walang
pakialam, parang robot na walang pakiramdam. At dahil doon ay tila nakaramdam
ng pagkairita ang kanyang asawa. “Look, I know something’s troubling you. What is
it? Tell me.” Ngunit ang tanging katugunang nakuha nito ay ang blangkong tingin
niya. “Don’t you look at me like that, Ally. Answer me!” Nagtaas na ito ng boses ngunit wala pa ring epekto
iyon sa kanya. “I think there’s no need for me to remind you. You yourself
should know it.” Sa sinabi niya ay batid na nito ang nais niyang tumbukin sa kalasingan.
“Si Antoinette?” he asked in a very teasing manner. Ngunit dahil sa napakataas na pride ay hindi
siya tumugon. Nanatiling tikom ang kanyang mga labi at urong ang dila. “She’s
just a friend, a long‑time
friend, that is.” “Really?” sarkastikong sabi niya. Nadulas ang mga salitang
iyon at hindi na niya kayang bawiin pa. “Yes. Simply a friend.” Nanunuya pa rin
ang tinig ng asawa. “Then how would you explain th—” “I don’t owe you any explanation. But—” “Of
course you do! I saw you and I heard you, both of you—” Isang pilyong ngiti ang
kumurba sa mga labi nito. “Tell me what you saw. Ano’ng nagpapaselos sa ‘yo?” “I’m
not jealous, what makes. .” Guilt crossed her face. “Why are you so defensive?”
putol ni Ryder. “I’m not! Sinasabi ko
lang ang nasasaloob ko,” depensa niya. “Kaya pala naglasing ka kagabi.” “I
wasn’t drunk, only a little.” “If you were not drunk, then how come you didn’t
recognize me last night?” Naramdaman niyang tila naubusan ng dugo ang mukha
niya. “I was very sleepy. Gabi na noon.”
“See, you were really drunk. Kahit ang oras ay hindi mo na alam. It was
barely nine o’clock, inaantok ka?” Heavens! Bakit ganito ang lalaking ito? Lagi
na lamang itong nagtatanong na tila ba lagi siyang may kasalanang nagawa. Naniningkit
ang mga matang tiningnan niya ito. Ngunit parang nananadya ito at ngumiti pa sa
kanya. “You are really beautiful when you’re angry.” Ginantihan niya ito ng isang sarcastic‑sweet smile. “Thank you.”
Sarkastiko ang tinig niya. “Excuse me, I think I need some air.” Tumayo na siya.
CHAPTER EIGHT
EKSAKTONG pagtapat niya kay Ryder
sa kabilang dulo ng pahabang mesa ay hindi niya inasahang kakabigin siya nito
sa braso at saka siya siniil ng halik. Mabilis ang pangyayari ngunit bagama’t nabigla
siya, sa hindi niya malamang dahilan ay tinugon niya ang nag‑aalab na pangangailangan nitong
iyon. It was a very long moment. Bago pa
man matapos ang pag‑uusap na
iyon ng kanilang mga labi ay halos kapusin na siya ng hininga. “I said I need
air, what you did was take it away from me.” “Did I?” At muli nitong inangkin
ang mga labi niya nang mas matagal. Pagkatapos ay tumingin ito nang diretso sa
kanyang mga mata. “Satisfied?” Ngunit wala siyang tugon. As he leaned over again
ay madaling naiiwas niya ang mga labi. “Please
let me go,” malumanay niyang pagmamakaawa rito. Mataman siya nitong tiningnan,
tila sinusuri ang maamo niyang mukha. Punung‑puno iyon
ng pait at hinanakit. “Stop hating me.. ” puno ng pagmamahal at pagmamakaawang
bulong nito. “Why do you hate me so?” dugtong na tanong nito. “I thought you
already know.” Tila agad naman nitong
naintindihan ang ibig niyang ipahiwatig. “No, not about last night.. Before.
What’s troubling you before last night?” “What do you mean?” tanong niyang nagkunwaring
hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. But in truth, alam niya kung ano ang
gusto nitong sabihin. Unti‑unti nang
bumabagsak ang luha niya. He wiped her tears gently with his thumb. “This is what I mean. You were crying last night.
What caused the tears?” “Nothing.” “It can’t be nothing.” “You already know,”
aniya. “I don’t.” “Do I still have to remind you about it? Hindi pa ba sapat na
nakikita mo akong nasasaktan?” Napatingala ito sa kisame at mahigpit siya nitong
niyakap. “Alam mong hindi ko kayang saktan
ka. I love you so much that I’d kill myself kapag nawala ka. Please,
sweetheart, speak to me. Asawa mo ako.” Hindi niya alam kung ano ang sasabihin.
“Si Antoinette lang ba?” Tumango siya—ngunit may pag‑aalinlangan. Dahil ang totoo’y
bukod doon ay may iba pang dahilan. “Before Antoinette?” “What do you mean? I’ve already told you. Hindi
na kita maintindihan.” “Bago pa sa nangyari kagabi? Little I care about Antoinette.”
“Ow? But you said you love her.” Mula sa isang blangkong ekspresyon ay nagliwanag
ang mukha nito. Kapagdaka’y humagalpak ito ng tawa. “Stop laughing, walang
nakakatawa sa sinabi ko!” Tumigil naman
ito gunit ang bakas ng pagtawa ay naroon pa rin sa mukha nito. “You said you were
not jealous. .” He lifted her chin and their eyes met. “Pero dahil sa sobrang
selos mo ay nabingi ka. You heard it all wrong.” Hindi siya umimik, mataman
lamang siyang nakinig. “Ano’ng narinig mong sinabi ko kagabi?” tanong nito. “You said. . ‘I love you’ to her.” Hirap
siyang bigkasin ang mga salitang iyon. “Then the two of you.. ” Hindi na niya
naituloy ang sinasabi. “And don’t tell me my eyes will lie to me.” “I didn’t
say ‘I love you’. . clear? She’s just a part of my past.” At saglit na tumiim
ang mukha nito. “That I’d rather forget.” Hindi siya agad nag‑react, matagal munang tumitig sa
mga mata ng asawa. “It was a long time
ago. I loved her then or I just thought so. It’s really a long story and I’d rather
not talk about it.” May pait na gumuhit sa mga mata nitong iglap ding nawala.
“I was trying to tell her that last night but she was constantly. .” “Kissing
you,” pagtutuloy niya. Ngumiti ito. “Yes, kissing me but not me kissing her.
And if you watched more closely, you could have seen me trying to stop her.” Walang
tugon mula sa kanya. “Don’t you trust
me?” “Why I should?” Her tone was flat. “Because I’m your husband. And you
should know that you can trust me.” How can I? Hindi naman ako ang tunay mong asawa.
I don’t need to trust you. Ngunit bakit siya nasasaktan? Bakit nahihirapan
siyang tanggapin ang katotohanang matagal na niyang alam? Nang walang natanggap na katugunan si Ryder
mula sa kanya ay bumagsak ang ekspresyon nito. “Love cannot live where there is
no trust, that’s according to Cupid. I guess he’s right.” Binitiwan siya nito.
“But I’m still willing to wait, Ally, for you to learn to love me.” At lumakad
na ito papasok sa silid nila. Narinig na lamang niyang sumara ang pinto niyon,
saka nangilid ang luha niya. Dear Lord!
Bakit ganito? Why did she have to suffer? Ano ba ang nagawa niya at kailangan niyang
magdusa nang ganito? If only Ryder knew. Dear Therese, ihango mo na ako sa
gulong ito. Hindi ko na kaya.. Tuluyan nang nahuhulog ang kalooban ko sa asawa
mo. How she wanted Therese to assume her place bago pa mahuli ang lahat. HINDI na nagawang usisain ni Ryder ang
dahilan ng pagiging malulungkutin niya sa mga sumunod na linggo buhat noong
magtapat siya rito. Gulung‑gulo pa
rin ang isipan niya tungkol doon. Why could she not tell him what was bothering
her? Nasasaktan siyang nakikitang tila may nagpapahirap sa kalooban nito. At
waring laging napakalayo nito at nahihirapan niya itong abutin. Gustung‑gusto niya itong yakapin at pawiin
ang dinaramdam nito pero tila may puwersang
pumipigil sa kanya. And he thought everything will be all right once he
told her how much he loved her. I swear, Ally, malalaman ko rin ang dahilan. .
Oh, what the heck? Mababaliw na ako! Humigpit ang hawak niya sa manibela, sabay
tapak sa gas na nagpaharurot sa sasakyan.
“ANO KA ba? Masama yata ang loob mo, e!” reklamo ni Sandra nang biglang
humagibis ang sasakyan. Tila agad namang natauhan ang kanyang asawa at
binagalan ang andar ng sasakyan. “No, I made a promise. And I will keep it.
Ngayon tayo uuwi.” “Baka lang naman kasi masama ang loob mo. Mabuti pa, bumalik
na lang tayo sa rest house at mag‑isa na
lang akong uuwi,” pagsusungit niya. “No,
no. Ano ba’ng problema mo?” “Wala!” “So, just shut up!” The words just slipped.
Hindi niya inaasahan ang ginawa nito. He practically yelled at her. “Fine! Pull
over!” “What?” “You heard me, pull over. Ihinto mo!” “Okay, I’m sorry. I’m
sorry,” hingi nito ng paumanhin. “No! Ihinto mo na ito!” pagmamaktol niya. “No!” “Yes!” “No!” “Ayaw mo? Tatalon ako,”
banta niya. “Kaya mo?” Tila nanghahamon ang tinig nito. Kaya ba niya? Hindi. .
“Oo!” “Sige nga.” This brute! Gusto talaga akong mamatay! Nakangiti pa! Binuksan
niya ang pinto at akmang tatalon. “Hey!
Ano’ng gagawin mo?” awat nito sa kanya. “Tatalon.” “Tatalon? Nasisiraan ka na
ba?” “A, ngayon, nasisiraan naman ako ngayon, gano’n?” Napahawak ito sa noo at
marahas na sinabunutan ang sarili. “Sige, sige. . ihihinto na kung ihihinto.”
At inihinto nga nito ang sasakyan. “What are you doing?” tanong niya. “Sinabi mo ihinto ko. I did, didn’t I?” “Oo
nga, pero hindi rito sa gitna ng kalsada.” Hindi siya makapaniwalang umaastang
parang bata ang asawa dahil lang sa sobrang inis nito sa kanya. “Sabi mo ihinto
ko.” She rolled her eyes. Siya naman ang napahawak sa noo at marahas na
sinabunutan ang sarili. “Bahala ka,
magugulo ‘yang buhok mo. Papangit ka,” pang‑iinis
nito. “E, ano naman sa ‘yo kung pumangit ako?” “It doesn’t matter to me, mahal
pa rin kita. Kahit ano’ng itsura mo, I’ll still love you.” His voice was soft. “Ewan
ko sa iyo! Bahala ka nga sa buhay mo!” Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi
nito, gusto niyang maiyak. Ngunit pinanatili niya ang galit upang mapagtakpan
ang tunay na nadarama. “Wala kang
pakialam kahit ano’ng gawin ko?” “Bahala ka, sinabi, e. Ang kulit‑kulit. .” Pinutol ang sasabihin
niyang iyon ng mga labi ng asawa. Kinabig siya nito at mariing siniil sa mga
labi upang siyempre ay hindi na siya makaangal. Pilit niyang itinutulak ito
ngunit naging dahilan lamang iyon upang lalong mag‑alab ang halik nito. Pinagpapalo
niya ang likod nito with her fist ngunit hindi rin iyon tumalab. Ilang saglit
ay lumuha na siya; her cries of
protests became tiny whimpers of begging. Kumalas si Ryder. “Thank you.” Kahit
habol‑hininga ay sarkastiko pa rin ang
tono niya. “You’re very much welcome.” Isang pilyong ngiti ang ginantihan niya
ng irap. Nang mapansin niyang nanatili lamang itong nakatingin sa kanya at
hindi pa pinaandar ang sasakyan ay akmang babanatan na naman niya ng salita ngunit agad nitong naipatong ang
dalawang daliri sa mga labi niya. “Aalis na tayo,” he finally said. SA KANILANG pagdating sa bahay ay isang sorpresa
ang naghihintay. “Hello, sis!” bati ni Therese. “Sis. .” Hindi niya malaman
kung magugulat siya o kung malulungkot o kung maliligayahan. “Hi, Ryder!” bati nito sa asawa niyang tumugon
din ng bati. Madali naman siyang nanumbalik sa reyalidad; nginitian niya ang
kapatid at yumakap ito sa kanya nang buong higpit. “Akala ko ba.. ” “Hay, naku!
Mamaya ko na ipapaliwanag sa ‘yo, ha?” Kumindat itong nakuha naman niya ang ibig
sabihin. “Gusto mong kumain?” alok niya.
“Mauna na ako sa itaas at ipaaayos ko pa kay Ising itong mga damit,”
paalam ni Ryder sa kanilang magkapatid. Tumango lamang silang parang mga bata. “Akala
ko ba nagtanan na kayo ni Jeffrey?” agad niyang itinanong sa kapatid nang
makaalis na si Ryder. “Oo nga.” “E, bakit nandito ka?” nagtatakang tanong niya.
“Nasaan na si Jeffrey?” “Alam naman ni
Jeffrey. Sa kanya nga galing ang ideyang iwan sa iyo—” Agad niyang tinakpan ang
bibig nito. “Baka may makarinig!” “Sorry.” “O, sige, sige. Bakit ka ba
nandito?” “Ayaw mo na yata, e. ‘Di mo ba ako gustong makita?” “Hindi, hindi
naman sa ganoon. Pero biglang‑ bigla
naman ang pagsulpot mo.” “‘Buti nga
binisita pa kita. O, ano? Okay ka lang ba rito? Kumusta naman kayo ni Ryder?” Hindi
pa man siya nakakasagot ay dinugtungan na agad nito ang sinabi. “I know, I
know. Alam kong nahihirapan ka na, kaya nga I’m here to save you from this
dilemma,” tuluy‑tuloy na
sabi nito. “Teka, ano’ng ibig mong sabihin?” Magkahalong takot at pagkalito ang
nararamdaman niya. Kung saan nagmula at para saan ay hindi niya tiyak. Hindi niya mawari ang kanyang damdamin. Sarisaring
emotions. Lungkot, galit, saya, dalamhati, inggit, takot. . Takot? Hindi na
niya maintindihan ang sarili. Kani‑ kanina
lang ay hinihiling niyang sana ay dumating ang kapatid at akuin ang puwesto
nito, ngunit ngayong naririto na nga ito at gagawin na ang gusto niyang
mangyari ay nakakaramdam siya ng ganoong mixed emotions. “O, ano? Hindi ka na nakasagot. Masyado ka bang
na‑overwhelm at naging speechless
ka?” “Nandito ka.. magpapalit na tayo?” Tila nauupos siya ngunit ikinubli niya
iyon mula rito. “Oo, ‘di ba ‘yan naman ang hinihintay mo?” “Ha? Oo, pero huwag
muna ngayon.” Tila naguguluhan ang kanyang kapatid sa tinuran niya. “Bakit, may
problema ba?” Unti‑unting kumurba
ang isang pilyang ngiti sa mga labi nito.
“Siguro, nai‑in love ka
na kay Ryder, ano?” Tila nanunukso pa ito. “Hindi, a,” depensa niya. “May
malaking problema lang kasi,” dugtong niya nang makitang naghihinala ang
kapatid. “Ano, buntis ka?” panghuhula nito. Sana nga. . bulong ng isipan niya.
“Hindi, ano ako, sira?” “E, anong problema ang sinasabi mo?” “Kumain muna tayo, nagugutom na ako, e,” pag‑iiba niya sa usapan; kailangan
niya ng panahon upang makapaghanda. “Hus, pinapaikot mo naman ang utak ko, e. Huwag
mong ibahin ang usapan. Are you pregnant?” tanong nito na waring excited. “No!”
mariin niyang tanggi. “At hindi ko iniiba ang usapan. Kumain lang muna tayo,
baka lang kasi nagugutom ka. Basta ako gusto kong kumain.” “O, sige na nga, basta sabihin mo sa akin
ang kuwento habang kumakain.” “Promise.. ” Sa halip na siya ang magkuwento ay
ito ang nagsalita nang nagsalita. Kinukulit niya ito nang kinukulit at
palibhasa ay ito ang talkative type sa kanilang dalawa ay hindi naman ito
naubusan ng sasabihin. Sa tuwing mag‑uusisa na
ito ay binibirahan niya ng walang‑katapusang
tanong, o hindi naman kaya ay medyo
iniiba niya ang usapan. “Dali na, sabihin mo na kasi,” pangungulit nito sa
kanya. “Kuwentuhan mo pa ako, mamaya na ‘yong sa akin.” “Ang daya mo naman.
Alam kong kanina mo pa ako inuuto. Bakit ba ayaw mong sabihin sa akin? Siguro
nai‑in love ka na nga kay Ryder, ano?”
panunukso nito saka humagikhik. “Huwag
kang maingay! Mamaya, marinig ka n’on,” saway niya rito. “Sabi ko na nga ba,
e.” “Na ano?” “Na nahuhulog ka na sa kanya.” “Hindi, a! Kita mo kasi, kapag
sinabi ko sa ‘yo ngayon ang problema, mamaya mo’y dumating bigla ‘yon, e, di
buking tayo!” “Hus, sige na nga. Nakalusot ka ngayon. Pero humanda ka sa
susunod.” “Oo, oo. Basta kapag maganda
na ang timing mo.” “Talaga. Sinisigurado kong malalaman ko rin iyon.” “Oo,
sabi, e. Kulit.” “O, sige na, uuwi na ako. Babalik na lang ulit ako,” paalam
nito sa kanya. Tila isang tinik ang nabunot sa kanyang dibdib makaraang
makaalis ang kapatid. Ngunit ang naging kapalit naman ng tinik na iyon ay isang punyal na tumarak sa kanyang dibdib. Bakit
ba sunud‑sunod ang dating ng mga dagok sa
kanya? Hindi niya kaya ang mga iyon nang sabay‑sabay. Bakit ba ganoon? Sa halip na ang biglang pagdating
ng kakambal ay magdulot ng ibayong ginhawa at kasiyahan sa kanya ay hindi. Kung
dati‑rati ay hinihiling‑hiling niyang lagi na sana ay
dumating na ito upang maihango na siya sa gulong pinasukan niya, hindi niya
ngayon maunawaan kung bakit parang tumatanggi siya. Ayaw ba niyang manahimik na at mawala na sa
gulong ito? O baka naman si Ryder ang tunay na dahilan? Si Ryder nga marahil.
Mahal niya si Ryder. Ano ba ang dapat niyang gawin? Pakawalan ito? Sa bagay na
iyon ay mahihirapan siyang gawin. Pero alam niyang iyon ang dapat. Karapatan ni
Therese, at karapatan din ni Ryder ang lumigaya sa piling ng babaing tunay
nitong mahal.
CHAPTER NINE
ILANG gabing puyat si Sandra.
Masyado siyang nabagabag sa pagdalaw ni Therese. Minsan ay pinupuna siya ni
Ryder na sa tuwina ay laging malambing sa kanya bilang asawa. Asawa? Malapit
nang maging hindi. Nagkaroon na siya ng sapat na panahon upang makapag‑isip‑isip. At ngayon, bagaman litung‑ lito siya at mabigat ang dibdib
niya ay napagpasiyahan na niya ang
lahat. She’ll give Ryder up. Kahit libu‑libong
sakit ang dulot niyon ay okay lang. Hindi ba’t matatag siya? Madalas pa nga
niyang sabihin na she had a man’s courage. Lumaki siyang may pusong lalaki
upang maging matatag, at kailangan niyang pairalin iyon ngayon. “Ate!” bungad
na bati sa kanya ni Ising na nasalubong niya sa gate pag‑uwi niya mula sa flower shop. “O, saan ka pupunta?” “Doon lang po, may
sasabihin lang ako. Kayo kasi, iniwan n’yo ako.” Kunwa’y nagtatampo ito. “Binisita
ko lang ‘yong flower shop, matagal na rin kasi akong hindi nakakapunta roon.” “Ayaw
mo na yata akong kasama, Ate. May nagawa po ba akong kasalanan?” “Ang drama mo,
ha! Dalian mo’t baka maatraso ka sa pupuntahan mo.” “Hindi mo kasi ako ‘sinama, e. Di sana hindi
na ako aalis pa ngayon.” “O, sige. Sorry na, ha’mo, sa susunod.” “Ayan!”
Pumalakpak pa itong parang bata. “Dalian mo’t nang makapagpahinga na ako,” taboy
niya rito. “Ay, Ate,” habol nito. “Si Kuya nga pala, nandiyan na. Kasama ‘yong
kakambal mo. Akala ko nga, ikaw, e. Nang tawagin kong ‘Ate Therese,’ hinagalpakan
ba naman ako ng tawa.” Namutla siya at
nanghina sa sinabi nito. “A, ganoon ba? O, sige, Ising, papasok na ako sa loob.”
Animo nawala siya sa sarili. Mabigat ang mga paang tumuntong siya sa bahay.
Parang wala siyang ibang nakikita kundi sina Ryder at Therese na magkasama. Pagdaan
niya sa may daan patungong pool ay hindi nakalampas sa pandinig niya ang tinig
ni Therese na patuloy ang hagikhik at si Ryder na sige lang ang kuwento. Ano ang pinag‑uusapan nila? “Hello, mukhang nagkakasayahan kayo
riyan, a,” bati niya sa mga itong hindi man lamang nangambala sa biglang
pagdating niya. Si Therese ay sige pa rin ang tawa. “Sis! Join us. .” himok
nito nang lumapit siya, sige pa rin sa paghagikhik. Si Ryder naman ay biglang
nanahimik ngunit bakas pa rin sa guwapong mukha nito ang kaninang pagtawa. “May I?” nakangiting sabi niya habang inookupa
ang isang bakanteng upuan. Pakiramdam niya ay napaka‑plastic niya. Hindi siya ganoon
ngunit hinihingi ng pagkakataon. “Ano ba’ng issue? Baka puwedeng sumali sa usapan.”
At nagplaster siya ng ngiti sa mukha. Ewan niya pero talagang kinakain na siya
ng selos. “Ito kasing si Ryder, naikuwento niya iyong mga tantrums mo. I
couldn’t just imagine his face!” amused
na sabi ng kanyang kapatid. “You really must be patient, Ryder. Ibang klase
yata ang kakambal ko.” She just smiled. Ano ba ang dapat niyang sabihin? “It
takes a lot of patience, I must admit.” At binalingan siya ng asawa ng tingin.
“But she really is something.” At ginagap nito ang kamay niyang nakapatong sa
mesa. Mataktika niyang binawi ang kamay
upang hindi ito ma‑offend at
mapahiya. “You know I’m not.” Nakita niyang nagsalubong nang bahagya ang mga
kilay nito—kung sa sinabi niya o sa inasal niya ang dahilan ay hindi niya alam.
“Of course you are. You’re my princess,” pahayag nitong tila nais siyang
pagalitan sa pagtanggi. At muli rin nitong kinuha ang kamay niya at pinisil‑pisil. “Hey! I’m still here, baka nakakalimutan ninyo!”
pagmamaktol ni Therese. “Huwag ninyo akong inggitin with your sweetness!” And
she glared at them. Natawa silang mag‑asawa at
nang tingnan niya si Ryder ay titig na titig ito sa kanya. “Do that more often,
sweetheart, your smile really melts my heart.” Pinamulahan siya ng mukha. “Stop it you two. Naiinggit na ako,” giit ni
Therese. “E‑excuse
me.” Binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak ng asawa. “Aakyat lang ako sa kuwarto
at magbibihis.” At iniwan na niya ang dalawang hindi na nagawang pigilan siya. NAIWAN sina Ryder at Therese na nagkatinginan. Nginitian siya ng sister‑in‑law. “She loves you,” anito. And she took a little
sip from her glass of juice. “I hope I can say the same, na mahal niya ako,” malungkot
na tugon niya. “If I could just see her everytime we’re together. I’ve never
seen her happy with me.” Tumaas ang kilay ni Therese. “Have you tried asking
her?” Tumango siya. “But she wouldn’t
say anything. Hindi ko na siya maintindihan.” “She’s starting to fall for you,
she’s just trying too hard to fight it.” He frowned. “Come on, Therese, she’s
too hard. Kung minsan ay gusto ko nang sumuko. She wouldn’t even yield to our
plan.” “Don’t give up that easy! I have a better idea.” At tumindig ito. “I’ll
talk to her.” At umalis ito agad bago pa niya ito mapigil. NAKAUPO si Sandra sa gilid ng kama. “Wow!
Ang cute naman nitong room ninyo,” puri ni Therese na agad na pumasok sa silid
na hindi man lang kumakatok. “It’s yours, not mine.” Bakas ang kalungkutan sa
tinig niya. “What do you mean?” “This is yours. Lahat ng narito ay sa iyo.” “Oh.
So you’ve made up your mind.” Tumango
siya. “Do you mean you’ve already made up your mind that you will give up your
husband to me?” “In the first place, hindi ko siya asawa.” “But you love him,”
sabi nito ngunit wala itong natanggap na katugunan mula sa kanya. “Silence means
yes, sis. Now tell me, do you love him?” “No,” pagsisinungaling niya. “Tama na, Sands. Bakit ba kailangan mo pang pahirapan
ang sarili mo?” pagpapagalit nito sa kanya. “Hindi ko pinahihirapan ang sarili
ko, Therese. Kung itutuloy ko ito ay gagawin ko lang impiyerno ang buhay naming
pareho.” “Ikaw lang ang nag‑iisip na
ginagawa mong impiyerno ang buhay n’yo, Sands. Ryder loves you so much. At kung
ipagpapatuloy mong itanggi ang nararamdaman mo ay talagang impiyerno ang magiging buhay ninyo pareho. I
know you love him, admit it!” “I don’t!” “Stop lying. Napapagod na akong
marinig sa iyo iyan!” “Hindi ko siya kayang mahalin, Therese. Kug may mahal man
siya sa akin, iyon ay ang pangalan ko dahil kapareho kita ng pangalan. Mahal
niya si Therese Alezandra at hindi si Therese Alesandra. “Ikaw ang pinakasalan ni Ryder, hindi ako!” mariing
sabi ni Therese. “Oh, Therese, kung inaakala mong makukumbinsi mo ako by saying
that, nagkakamali ka.” “I can for. .” “Stop it, Therese. Hindi na lang para sa
akin, kahit para kay Ryder na lang. Maaatim mo bang manatili si Ryder sa akin
na wala namang pagmamahal sa kanya?” “Iiwan
mo siya sa akin, sa tingin mo ba ay mahal ko siya?” si Therese. “You will.
Hindi siya mahirap mahalin.” “But he won’t love me!” “Siya mismo ang nagsabi sa
akin na simula pagkabata ay ikaw na ang itinitibok ng puso niya. Bale‑wala ako. Ikaw ang mahal niya.” Natigilan
si Therese. “That’s not true. . Imposible ang sinasabi mo.” “Sa ospital sa Amerika. Naaalala mo ba? You two
were very close. Noon pa man, Therese, ikaw na ang kinagigiliwan niya. At kahit
na hanggang ngayon ay ikaw pa rin. He himself told me that.” “It wasn’t me he’s
talking about, it’s you!” Nanggigigil na siya sa katigasan ng ulo ni Sandra. “Tigilan
na natin ito, Therese, pagod na ako. Gusto ko nang makalaya sa gusot na ito,” pagmamakaawa
niya sa kapatid. Matagal itong hindi
nakasagot. “Okay. Tomorrow expect me to be here,” anito. Nagliwanag ang kanyang
mukha. “Thank you, Therese. .” “Don’t thank me, I haven’t done anything yet.” EVERYTHING was settled. She spent many sleepless
nights preparing for this. At bukas na ang nakatakdang araw ng pagdating ni
Therese. Ayos na ang lahat. Ang mga damit niya ay lihim na niyang naisilid sa isang travelling bag
na itinago niya sa ilalim ng kanilang kama. She left a few of her clothes upang
hindi makahalata si Ryder sa pagkawala ng mga gamit niya. Tiningnan niya ang
natutulog na asawa. Pagod na pagod itong dumating mula sa opisina. Nangangayayat
ito at tila nakakalimot na ring mag‑ahit.
Bahagya nang tumutubo muli ang maliliit na balahibo sa baba at jawline. She
gently caressed his cheek and traced his jawline with her finger. He moaned at hinigpitan ang pagkakayakap
sa kanya. “I love you,” he murmured in a hoarse sleepy voice. “I love you,
too.” Bulong lang iyon at alam niyang hindi nito iyon narinig. Napaluha siya sa
narinig niya. This was going to be the last night she would be sleeping beside
her husband. Asawa niya. . She tried to
plant a kiss on his lips pero sadyang mahigpit ang yakap nito sa kanya kaya sa
baba nito tumama ang halik niya. Nagsumiksik na lamang siya sa dibdib nito and
savored the warmth his body was bringing. Kinabukasan ay maaga siyang nagising
upang sa huling pagkakataon ay asikasuhin ito. Like a real ideal wife. Nate‑tense siya ngunit hindi niya ipinapahalata
iyon dito. She maintained her composure and tried to behave normally. Nang makaalis ito ay agad siyang tumawag kay
Therese upang masiguro kung anong oras ito eksaktong darating. “Sands! O,
bakit? Pupunta na ako riyan.” “At exactly what time?” “Say. . ten o’clock.” “Okay.
. ‘bye.” Nine‑fifteen
na. Kailangan na pala niyang umalis. “ATE!”
NAGTATAKANG tawag ni Ising nang hindi inaasahang nasalubong niya ito. “Bakit ka
may dalang bag?” Ngayon ay kailangan pa niyang gumawa ng palusot. “Ano ka ba
naman, Ising? Hindi naman ako si Therese. Si Sandra ako.” Sa kauna‑unahang pagkakataon ay nagsabi
siya ng totoo. “Ay, naku! Sorry, Ate Sandra. Magkamukha kasi kayo ni Ate
Therese, e.” “O, sige, mauuna na ako..
” At dali‑dali
siyang tumalilis. “E, pero—” Hindi na naituloy ni Ising ang sasabihin. Tumawag
siya ng taxi dahil ayaw niyang gamitin ang kotse niya sa pangambang baka mahalata
siya ni Ising. PAGBUNGAD ni Therese sa
bahay ni Ryder ay agad siyang sinalubong ni Ising. “O, Ate, bakit bumalik ka? May naiwan ka
ba?” tanong nito. Nagtatakang tiningnan nito ang kasama niya. “Ha? Anong
kaagad? E, ngayon pa nga lang uli ako dumating mula nang huli akong dumalaw, e.”
Hindi niya alam kung bakit tila may sumuntok sa dibdib niya sa sinabing iyon ng
katulong. Bi‑ glang‑bigla ang kaba niya. Binalingan
niya ng tingin si Jeffrey na nagkibit lang ng balikat. Nagtuloy siya sa itaas, kasunod ito. “Si
Sandra?” usisa niya kay Ising. “E, ‘di po ba, kayo si Ate Sandra?” Oo nga pala,
hindi nito alam. “Ang ate mo?” “Nasa kuwarto nila kanina.” “Wala naman dito,
e,” sabi niya nang mapagbuksang walang tao sa silid ng mag‑asawa. “Akala ko ba—” “Hala!
Baka.. ” “Baka ano?” natatarantang tanong niya. “Baka siya ‘yong umalis kanina.” “Umalis?”
gulat na sabi niya. “Wala man lang iniwan kahit anong mensahe?” At napatingin
siya sa kasintahan. “E, wala po, e, nagmamadali po kasing umalis. Ang sabi lang
ho ay siya raw si Sandra.” Hindi na niya ininda ang sinabing iyon ni Ising; pumasok
na lamang siya sa kuwarto nina Sandra at Ryder. Mukhang nawala sa plano ang
lahat. Umalis ang kapatid niyang ni ho ni ha ay wala siyang nakuha mula rito. Walang iniwan bukod
sa isang— “Sulat!” bulalas niya. “Kanino iyan?” tanong ni Jeffrey. “Galing kay
Sandra.. ” Saka niya binuksan ang sobre. My dear sister, take care of Ryder. He
loves you very much. Be happy for me, everything will be normal again. For the
meantime ay doon muna ako kay Papa. Then
it will be my turn to elope. Promise me, love Ryder. Your sister, Sandra. “I
can’t believe your sister!” Natatawa na lamang si Jeffrey sa mga nangyayari. “Ako
rin. At sino naman ang tinutukoy niya rito?” Nagkibit lamang ng balikat ang
kasintahan. “What now?” “Tiyak na nasa bahay iyon. Puntahan muna natin si
Ryder.” “These two lovers are really
incredible!” sabay iling na sabi ni Jeffrey. “And so hard‑headed,” dagdag pa niya. NAGULAT si Ryder sa biglang pagdating nina Therese
at Jeffrey. “Napakaaga naman ninyo. .” Naging mailap ang mata niya, may
hinahanap. “Si Sandra?” Nagkatinginan lamang ang mga bagong‑ dating. “Well?” Naghihintay siya ng katugunan mula sa
mga ito; hindi sumagot ni isa man. Bagkus ay lumakad si Therese patungo sa
kanyang mesa at may inilapag na sulat sa ibabaw nito. Salubong ang mga kilay na
tiningnan niya ang hipag, nagtatanong. “Read it,” utos nito. Nagkibit lamang
siya ng balikat, still keeping his cool. Tila nakaramdaman siya ng tensyon at ewan niya, pero nararamdaman niyang may
hindi maganda sa mga nangyayari. Bigla ang pagtagis ng kanyang mga bagang pagkabasa
sa mensahe ng asawa. Nilamukos niya ang sulat, saka malakas na ibinagsak ang
kamao sa mesa. “R‑Ryder. .”
ani Therese, tila hindi alam ang gagawin, humihingal sa sobrang pagpipigil ng galit.
Napaurong ito nang bahagya; agad namang nilapitan ito ng kasintahan. Mabilis siyang lumabas ng silid nang walang sali‑salita. “Ryder!” halos
magkapanabayan na tawag nina Therese at Jeffrey sa kanya, agad na sumunod sa kanya.
Nang makarating siya sa bahay ng mga Sandoval ay kulang na lamang na ibalibag
niya ang pinto. Nadatnan niyang nagbabasa ng diyaryo ang biyenan na nagulat sa
ginawa niyang padabog na pagbukas ng pinto.
“Ryder! A‑ano’ng—” “Narito
po ba si Sandra?” Pilit niyang pinipigil ang galit. Hindi niya nais maging
walang modo sa harap ng ama ng asawa. “Nandito ba siya, ‘Pa!” ani Therese na
hangos na bumungad sa pinto, kasunod si Jeffrey. “A‑ano ba ang nangyayari dito? Hindi
ko maintindihan,” ani Mister Sandoval. “Please,
Sir. I want to see my wife,” aniya sa tonong mas prominente pa ang galit kaysa pakiusap.
“She’s not here. Can somebody tell me what’s going on?” galit na sabi ni Mister
Sandoval. “Kanina’y dumating si Sandra pero umalis din kaagad. Ang akala ko ay
aayusin na ninyo ito ngayon, Therese,” baling nito sa anak. “We’re supposed to, Papa. Pero nawala ang lahat
sa plano, Sandra left even before we arrived,” paliwanag ni Therese. “Saan kaya
siya nagpunta?” tanong ni Jeffrey. “Wala namang binanggit. Akala ko nga ay kung
napaano na dahil walang kasigla‑sigla.” “Sa
flower shop. .” ani Therese. Tumingin ito sa kanya. “She’s there, I just know
it.” “Are you sure?” paniniyak niya. “Oo,
kapag nalulungkot ay naroon lamang iyon at nagkukulong sa flower shop,” sang‑ayon ni Mister Sandoval. “Go,
Ryder, and tell her the truth.” Tumango siya. “I will.” At saka nagmamadali siyang
lumabas. Ang magkasintahan naman ay awtomatikong sumunod sa kanya.
CHAPTER TEN
NAANINAG pa lamang niya ang flower
shop ay tila gumagaan na ang kalooban niya. Isipin pa lamang niya ang mga
bulaklak na naroon ay waring kumakalma na ang kanyang kalooban. Eksaktong
pagkababa niya mula sa taxi ay sukat atakihin siya ng matinding pagkahilo na
para bang babagsak siya. Kaunti na lamang at malapit nang sumalpok ang ulo niya
sa sementadong kalsada nang bigla ay
isang bisig ang sumalo sa kanya. “Are you okay?” tanong ng may‑ari niyon. “Yes, thank. . you?”
Kahit nahihilo siya ay naroon pa rin sa kanyang tinig ang pagkagulat nang
makilala niya ang kanyang tagapagligtas. “Yes, it’s me. Ano’ng ginagawa mo
rito?” “Please, stay away from m‑me. .”
pagtataboy niya rito. “No, let me help
you.” Hindi pa rin ito bumibitiw sa pagkakaakbay sa kanya. “No, kaya ko ang
sarili ko.. ” “Gusto mo, ihatid kita sa inyo? May wheels naman akong dala,”
pangungulit nito. “No, please.. ” hilung‑hilong
sabi niya. Nagsisimula nang umikot ang kanyang paningin. Hindi niya napapansing
mapagsamantala na ang kapit ni Mark sa kanya. “Sa flower shop ako.. ” “No, I’ll
take you home,” mariing wika nito. “You
bastard!” Isang malakas niyang tulak at halos tumilapon ang lalaking malakas na
tumama ang likod sa pader. Napasadlak naman siya sa semento. Ang hindi inasahan
ay ang pag‑alalay sa
kanya ng kapatid na si Therese. “Taksil!” Mahina ngunit kababakasan ng matinding
galit ang tinig ni Ryder. Akmang susugurin nito si Mark pero maagap itong napigilan
ni Jeffrey. “Tama na, pare.. ” awat
nito. “Magpapaliwanag ako—” Nanginginig ang boses ni Mark. “Hindi ka na
nakontento. Nagkahiwalay kami ni Antoinette nang dahil sa iyo. At ngayon, ang asawa
ko naman. Ginagawa mong obsession na kunin ang lahat ng babaing minamahal ko. Pagkatapos,
ano? Matapos mong makuha ay ibabasura na lang!” “Ryder. .” mahinang tawag niya
sa asawa. “Ryder, sa loob na lang natin
ito pag‑usapan. Nakakahiya rito,” ani
Therese habang inaalalayan siya. “Go! Ayoko nang makita ang pagmumukha mo! Kung
hindi ay pagsisisihan mo! Don’t ever get near my wife again, Mark Cabral. I’ll
break your damn neck!” Walang emotion ang tinig nito. Dinala siya ni Therese sa
loob ng flower shop. Sumunod na lamang sina Ryder at Jeffrey. Pinag‑break muna
ni Therese ang mga bantay sa shop. Binaligtad naman ni Jeffrey ang OPEN sign
upang walang customer na pumasok. “Siya ba ang dahilan kaya iniwan mo ako?” Pilit
na pinahihinahon ni Ryder ang tinig. “Hindi ko maintindihan. .” aniya. “This—”
Inilahad nito ang hawak na sulat. “How would you explain this?” At sa sobrang galit
ay itinapon nito iyon sa sahig. “Paanong—?”
“I gave it to him,” kumpisal ni Therese. “Huwag mo nang paikut‑ikutin pa. I saw you. Matagal na
ba ninyong plinano ito? Ang pagtatanan ninyo! Answer me!” Halos kilabutan siya
sa anyo ng asawa. Sa buong panahon ng pagsasama nila ay ngayon lang niya ito
nakitang magalit nang ganito. “Please don’t shout, you’re scaring me.” Totoo iyon
at nagsimula nang mangilid ang luha niya.
Napapikit si Ryder, anyong ikinalma ang sarili. Inihilamos nito sa mukha
ang kamay bago muling nagsalita. “Tell me the truth. Si Mark ba ang dahilan
kung bakit ka umalis?” “No! No! No! Hindi siya ang dahilan! God knows hindi
siya. .” naiiyak niyang pahayag. “Then who, Sandra? Mayroon bang iba?” Hindi na
nakapagpigil si Therese. “In the first place, hindi ako magtatanan. I was only
kidding tungkol sa ginawa ninyong pagtatanan
ni Jeffrey. What I mean in that statement is that I’m leaving and won’t ever
come back,” paliwanag niya. “You should have waited for me,” ani Therese. “What
for? Ganoon din naman iyon!” rason niya. “Bakit ba big deal sa inyo ang pag‑alis ko?” Hindi kaagad nakasagot ang
tatlo, nagkatinginan na lamang. “Now,
you answer me. Bakit masyado kang nagwawala?” baling niya kay Ryder. “Hindi pa
ba nasasabi sa iyo ni Therese? Ako si Sandra!” Ngunit nanatiling walang imik
ang kanyang asawa. “Look at me,” patuloy niya. “Hindi ako ang may gustong
magpakasal. I just assumed Therese’s place dahil napagkamalan mo akong siya.
Hindi ako ang mahal mo, Ryder. I’m sorry kung nagawa ko ‘yon. I was just so
afraid for my family. Ayokong makulong
ang papa dahil lang sa kalokohan ng kapatid ko.” “Sandra.. ” ani Therese. “No,
sis, I think it’s about time for him to know the truth.” Bumaling siya kay
Ryder. “Yes, Ryder, the truth. I’m not your wife.” “Sandra.. ” ani Jeffrey na
hindi naman talaga alam kung ano ang sasabihin. “I’m sorry, Jeffrey. I know you love my
sister, but please understand.” Tila mas mukha siyang nagmamakaawa kaysa
humihingi ng paumanhin. “But you are my wife,” pagdidiin ni Ryder. “No! I’m not
your wife. Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Hindi ako si Therese
na ginusto mong pakasalan. Niloko ka lang naming magkapatid. Magalit ka, Ryder.
Saktan mo ako dahil niloko kita.. ” “Paano
ko sasaktan ang babaing minahal ko mula pa kabataan ko?” nakangiting tugon
nito, his face soft and loving. “That’s true, sis. Remember noon biglang nag‑ alok si Ryder ng kasal at ako ang
napili ni Papa? Sinabi ko kay Jeffrey iyon. Jeffrey was really hysterical and
confronted Ryder. I never even knew they were friends way back in their college
days. So Ryder explained everything na hindi
talaga ako ang gusto niyang pakasalan kundi ikaw.” “You should have seen
the shock on his face nang malaman niyang si Therese ang ipakakasal sa kanya.”
Jeffrey smiled at the thought. “Kung sana ay nilinaw niya sa daddy ninyong ikaw
ang gusto niya, probably your father wouldn’t have thought of giving Therese.
He said he wanted to marry you.” “But I
told him you might not agree with the idea,” dugtong ni Therese. “Kaya nagplano
kami. At tama ako nang tanungin kita noon at hindi ka pumayag. It was the
signal that we had to go on with the plan.” “W‑what plan? You married Ryder, didn’t you? Kung
ganoon ang gusto ninyong palabasin, how come it was your name that was in the invitation?” “Ipinauubaya ni Ryder ang invitations kay Papa
dahil wala naman daw gustong imbitahin si Ryder maliban sa iilang mga
kaibigan,” paliwanag ni Therese. “But surely it was also your name that was in the
marriage contract.” Umiling ang kapatid niya. “It was your name and your
signature in the contract.” Nakita nito ang pagtatanong ng mga mata niya. “I
forged your handwriting and your signature as well. I was obsessed with your nice handwriting that
I practiced and tried copying it. Also your signature. Hindi ko nga alam na may
mahalaga pala akong paggagamitan niyon.” Hindi siya nakasagot sa mga naririnig.
“Everything went on perfectly just as we planned. Pero wala kaming balak ni
Therese na magtanan. I wouldn’t want that for her, I’ll marry her with your
father’s blessings,” dagdag pa ni Jeffrey, looking at Therese lovingly. “We thought you’d eventually fall for Ryder and
you’ll live happily ever after,” ani Therese. “Bakit. . hindi mo sinabi? Bakit
hinayaan mong. .” baling niya sa asawang hinahayaan na lamang ang hipag at ang
kaibigang magtapat. “All my life I’ve never been scared. . until I met you.
Natakot ako noon na baka hindi na kita uli mahanap at makita pag‑alis mo ng ospital. When I finally
got the chance to tell you how I feel, you rejected me. .” Pain crossed his
handsome face. “You said you cannot and
will not love me. I was so scared that if I’ll tell you the truth, you’ll leave
me. Takot akong mawala kang muli. Takot akong magalit ka sa akin dahil maaari
mong isipin na niloko lang kita at pinaglaruan. . and you’ll eventually leave
me. I just can’t imagine myself living without you.” He inched closer to her. “And
I was scared, too, Ryder. .” pagtatapat niya. “I love you, loved you, and will
always love you, perhaps even if you hate me. Takot akong mapalayo sa ‘yo. I love you so much, siguro
mula pa noong maliit pa tayo, hindi ko lang ininda. You were so fond of Therese
and I never had the chance to be close to you,” tuluy‑tuloy niyang pahayag. “Hindi ko
masabing mahal kita dahil iyon lang ang alam kong depensa sa sakit na mararamdaman
ko sa galit mo kapag nalaman mo ang pagpapanggap ko. I wanted to make myself believe
that I don’t love you.. At dahil na rin ang alam ko ay si Therese ang mahal
mo.” “Kaya pala masyado kang nagdamdam
noong sabihin kong mahal kita dahil inakala mong I was pertaining to your
sister,” natatawang sabi nito. “Why didn’t you. .” Lumunok muna siya bago itinuloy
ang sasabihin. “Why didn’t you court me instead of setting me up? Sana ay
nagpakilala ka, makikilala naman kita, e.” “Really, now? Sweetheart, it took
you, say a month or more, bago mo pa ako nakilala, kung ‘di ko pa nasabi sa ‘yo
ay ‘di mo pa maaalala. And I doubt kung
kilala mo ako sa buo kong pangalan, kahit siguro magpakilala ako sa iyo noon ay
‘di mo ako makikilala.” “Oh,” mahinang usal niya. Tama si Ryder. Matagal nang
panahon ang lumipas at tiyak niyang hindi niya ito agad na makikilala, puwede pa
kung pansinin niya ito. “‘Tapos, noong hindi na kaya ni Ryder ang rejection mo,
he asked for my help, kaya hayan I came in. Nagkaroon na naman ng bagong plano. We planned to make you jealous, sis. It
seemed to work. But you were so hard at napakahirap mong paaminin. Then umalis
ka, kaya nagulo. And we thought nakipagtanan ka. We saw you with that man
kanina. Sino ba iyon?” “Si Mark. Aksidente ang nangyari. I wasn’t expecting him
really. Sa party nina Adrian ko lang siya nakilala, and after that I never
heard from him again. I was trying to push him away pero talagang nahihilo na
ako.” “Damn it.” Lihim na napamura si
Ryder. “P‑please
believe me. Wala akong ugnayan sa kanya. He just came to my rescue nang matumba
ako sa sobrang pagkahilo.” “Nahilo.. ” Isang pilyong ngiti ang sumungaw mula sa
mga labi ni Ryder sa kanyang sinabi. “Y‑yes. .
siguro ay sa stress at puyat.” “When was your last. .” Tila hindi malaman ng kanyang
asawa kung paano sasabihin ang mga salita.
Ngunit agad naman niyang naunawaan ang nais sabihin ng asawa at agaran
din ang pamumula niya. Pilit na lamang niyang binig‑ yang‑pansin ang tinatanong nito. Kailan
nga ba? Dapat ay. . Delayed na siya ng isang buwan. Oo nga! “Delayed. .” mahina
niyang usal. Agad siyang kinabig ni Ryder at siniil ng halik. “Ops. . mukhang
medyo malalim na usapan ito at parang kailangan muna naming um‑exit sa eksena,” paalam ni Therese, hila si Jeffrey;
tuluyan silang iniwan ang mga ito sa loob ng shop. Hindi na niya nagawang
magprotesta sa ginawa ng kanyang asawa. It was a long hungry kiss, as if this
would be the last time. Pareho silang naghahabol ng hininga nang matapos ang mahabang
pag‑uusap na iyon ng mga labi nila. “R‑Ryder. .” usal niya samantalang
patuloy ito sa pagpapaligo sa kanya ng mga halik. “R‑Ryder!” bulalas niya nang maramdamang binubuksan
nito ang blouse niya. “Damn buttons!” At marahas nitong binuksan ang blouse
niya; naglaglagan sa sahig ang mga natitira pang butones. Napasinghap siya nang
malakas sa ginawa nitong iyon. “W‑what are
you doing?” Nag‑angat ito
ng mukha at ngumiti sa kanya. “I’m making love to you, sweetheart. Just making sure that you’ll really carry our child.” At
itinuloy nito ang naantalang ginagawa. “You mean. . h‑here?” Hindi siya makapaniwala. “Yes.
. sweetheart. . here.. ” sagot nito sa pagitan ng mga halik. She felt awkward
and at the same time excited. Ilang saglit pa ay naihiga na siya nito sa
malamig na sahig. It did not take long for him to strip both of them of their
clothes. “R‑Ryder. .” “Ally. . Ally. .” “W‑what about our marriage?” “Let’s
not talk about it now,” pakiusap nito na tila ba utos na rin. “N‑no, Ryder... my signature... was
forged—” Pinutol nito ang sasabihin niya nang hagkan siya nito sa mga labi. “It
will be null and.. void.. ” patuloy niya nang pakawalan nito ang mga labi niya. Amused na napatitig ito sa kanya. “I can’t believe
that you will still think of any thing else while I’m in the middle of making
love to you,” naaliw na turan nito. “Pero.. puwedeng mapawalang‑bisa ang kasal na iyon—” She
sounded so worried kaya naman natatawang hinagkan na lamang siya ng asawa. “You
don’t need to worry about it. Everything’s fine.” “What do you mean?” “Oh, sweetheart, I’ll marry you again. Kahit
ilang beses pa. Dahil hindi ako kailan man magsasawang sumumpa sa harap ng
Diyos na mahal na mahal kita.” Damang‑dama niya
ang katapatan ng mga salitang binitiwan nito. Tila ba sa puntong iyon ay tuluyan
nang naglaho ang insecurities at pangamba niya. “My sweet, jealous angel. How can you say
that I don’t love you?” he said while caressing her cheek. “Kanina mo pa lang
sinabi ulit sa akin iyon.” “I love you. I love you. I love you. Kahit ilang beses
pa ay gagawin ko if it will prove me to you.” “Once is enough.” “How about
you?” “Yes, I do.. ” “You do what?”
panunukso nito. “I love you, too, Ryder, very very much,” buong tamis niyang
binigkas. Sa pagkakataong iyon ay nailabas na niya ang lahat ng nadarama niya
para sa asawa. “And I love you forever,” pagtatapos nito sa kanilang pag‑uusap. At pinagsaluhan na lamang nila
ang mga sandaling iyon at ipinadama sa isa’t isa ang tunay at wagas na pag‑ibig. WAKAS